^

PSN Showbiz

Rufa Mae pinamigay na ni Bong kay Rudy

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -
Sayang at hindi ko nagawang pagkasunduin ang mag-inang Mommy Guapa at Isabel Granada bago tuluyang umalis na masama ang loob patungong Spain si Mommy Guapa.

Usapin sa puso ang ugat ng hindi pagkakaunawaan ng mag-ina. Sa edad na 26, hindi pa handa si Mommy Guapa na ma-in love ang kanyang anak na karaniwang reaction ng karamihan sa mga inang ang buhay ay umiikot sa kanilang mga anak lalo pa nga sa kaso ni Isabel na nag-iisang anak.

Ang katwiran naman ni Isabel, nasa tamang edad na siya para mag-desisyon para sa kanyang buhay at kinabukasan.

Umaasa ako na sa lalong madaling panahon ay magkakaayos din ang mag-ina. Puwede namang pag-usapan ang problema.

Sana rin, tulungan ng boyfriend ni Isabel na si Geryk Genasky na magkasundo ang mag-ina tutal naman ay siya ang dahilan ng hidwaan ng mag-ina.
* * *
Ngayon pa lang ay nagpaplano na ako sa gagawing Christmas special ng KAPPT para lubos na mapaghandaan. At this early ay pinadalhan ko na ng sulat ang mga artista at managers ng malalaking artista para makiisa sa nasabing Christmas special. Nakausap ko na rin si Richard Gomez at manager nitong si Douglas Quijano at Martin Nievera. Sana ay pagbigyan din ako ni Gary Valenciano at Ruffa Gutierrez at iba pang artistang bahagi ng industriya.

Iisa lang naman ang layunin ko sa ganitong okasyon, magkita-kita ang mga artistang bahagi ng industriya na bihira nang mangyari dahil sa commitment ng karamihan sa atin.
* * *
Excited na si Cogie Domingo sa shooting ng pelikula niya sa Regal - Ang Singsing ni Lola sa China na magiging entry ng Regal Films sa MMFF sa darating na December.

Karamihan sa mga eksena sa pelikula ay kukunan sa China kaya matagal-tagal din sila ro’n. Ito ang unang pagpunta ni Cogie sa China kaya sobrang excited siya.

Samantala, pansin na pansin na ang pangangayayat ni Cogie. Talaga namang bumagsak ang kanyang katawan na kitang-kita sa Kung Mawawala Ka. Ano ba talagang nangyayari Cogie? O iniisip ko, baka naman sinasadya ito ni Cogie o epekto ng sobrang pagpupuyat niya sa taping ng nasabing soap opera.
* * *
Dumalaw kamakailan si Rudy Fernandez sa taping ng Idol Ko Si Kap para kausapin si Rufa Mae Quinto. Plano ni Daboy na kunin si Rufa Mae na leading lady sa gagawin niyang pelikula para sa MMFF sa kanyang sariling produksyon - Reflection Films.

Agad tumawag si Rufa Mae kay Boss Vic del Rosario upang magpaalam. Nung una ay ayaw siyang payagan pero dahil sa paglalambing ni Rufa Mae, nakumbinse nito ang big boss ng Viva.

vuukle comment

ANG SINGSING

COGIE DOMINGO

DOUGLAS QUIJANO

GARY VALENCIANO

GERYK GENASKY

IDOL KO SI KAP

ISABEL GRANADA

MOMMY GUAPA

RUFA MAE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with