Opisina ni Celso Ad Castillo bukas na

Di lang bumalik sa pagpo-produce ng mga pelikula si Direk Celso Ad Castillo kasama ang kanyang executive producer na si Gng. Leonora McCulick. Nagbukas pa ito ng opisina sa Gonzaga Bldg. sa Maynila.

Hindi lang isang bankable na producer-director si Castillo. Siya’y sumasalungat sa unos at laging nagwawagi. Mababakas ito nang pasinayaan ang bagong office ng Heraxus Films noong isang linggo na kung saan dumalo ang mga top stars ng pelikulang Virgin People 3, sina Barbara Milano, Allona Amor at Monina Perez kahit may bagyo.

Nasa post production na ang Virgin People 3. Nakalinya na rin ang Mananayaw II.

Si Direk Castillo ay nakatakdang i-feature sa dalawang librong ire-release sa taong kasalukuyan na isinusulat nina Chris Fujiwara at Steven Jay Schneider, mga kilalang tao sa larangan ng mga bagong technology sa paggawa ng pelikula.

Show comments