Ayon sa aking source, kinausap na ng action star ang aktres at nag-offer ng tulong gayundin si LT. May nagtanong tuloy kung di ba nagseselos si LT. Sabi raw ni Alma ay "Love ko si LT dahil minahal niya ang aking anak na si Mark at itinuring din niya itong parang tunay na anak. Hindi siya magseselos dahil parang magkapatid na lang ang turingan namin ni Daboy. Nagpapasalamat ako sa concern na ibinibigay nila sa akin."
Idinagdag pa ng aking source na kahit may mga offer kay Ness para sa teleserye ay tinatanggihan na niya ito. "May problema na nga ako ay madrama pa ang lalabasan ko. Mas gugustuhin ko pang lumabas ngayon sa sitcom," sabi raw ni Ness.
Marami ngayong nagpapalipad-hangin sa magandang aktres at minsan nga ay itinukso siya kay Sec. Nanie Perez na umanoy nagpadala sa kanya ng bulaklak. Pero pinabulaanan naman ang tsismis ni Ness at sinabing wala siyang natatanggap na bulaklak mula sa Justice Secretary.
Ano ang mga pagbabago sa kanyang buhay ngayong sikat na siya? "Umuuwi ako ng Davao once a month at very proud naman sila sa akin. Kapag walang trabaho ay nasa bahay lang ako dahil wala naman akong barkada at delikado pa ang lumabas ng bahay sa panahong ito. Noon, kapag umuuwi ako ng bahay ay umiinom din ako ng alak pero hindi naman yung magpapakalasing ka pampaalis lang ng pagod. Ngayon ay di na ko pwedeng uminom sa tabi-tabi dahil baka may makakita lalo na kapag sumuka ako," aniya.
May nobya na siya na isa ring reporter sa Davao at apat na taon na ang kanilang relasyon. Pero malayo pa silang magpakasal dahil marami pa siyang pangarap sa buhay gaya ng pagkakaroon ng sariling bahay.
Sino pa ang pangarap niyang mainterbyu? "Sana mainterbyu ko si Bin Laden o si Abu Sabaya kung buhay pa siya. Tiyak na malaking istorya ito di ba?" dagdag pa ni Aljo.
Magkasama sila ni Catherine de Castro o Katkat sa Magandang Umaga Bayan (MUB) at maraming nagsasabing bagay silang pareha.
Pero nasermunan siya ni Direk Joel Lamangan dahil laging late na naman ito sa taping. Tinanggap naman ng aktor ang lahat ng sinabi ni direk at sinabing babawasan na niya ang nightlife para hindi na gumigising ng tanghali kaya nali-late sa kanyang commitment.
Tinatapos na ni Jay ang pelikulang Paraisong Parisukat katambal ang ex-girlfriend na si Joyce Jimenez.
Ayon sa mga nakapanood ay makapigil-hininga ang eksena tungkol sa labanan ni Vam Damme at mga terorista sa rumaragasang tren. Muling pinatunayan ng Hollywood action star ang lakas nito sa takilya sa pagiging number one martial arts hero. Palabas pa rin hanggang ngayon ang Derailed na release ng Solar Films.