Seryoso na si Shyr Valdez
September 1, 2002 | 12:00am
Kung gugustuhin lang ng kanyang ina, anumang oras ay puwedeng magbida sa isang pelikula ngayon ding mga oras na ito si Shyr Valdez, anak ng kilalang prodyuser na si Cherry Cobarrubias.
Pero sa muling pagseseryoso ni Shyr sa mundong naging bahagi na ng kanyang buhay, ang pag-arte at pagkanta, ay ayaw niyang humingi ng suporta sa kanyang ina.
Mas masarap nga naman kasi ang tagumpay na pinaghirapan, kaysa sa nakuha nang madalian, kaya sa kanyang pagbabalik ay nagsisimula uli sa ibaba si Shyr Valdez.
Dati na siyang marunong umarte, pero para makipagsabayan siya nang husto ay nag-workshop muna siya kay Direk Erik Matti, kasabay na rin yun ng kanyang pagbo-voice lessons at pagdyi-gym.
Nang una naming marinig mula kay Shyr na gusto niya uling bumalik sa pag-aartista ay isa lang ang itinanong namin sa kanya nasa puso na ba niya ang pag-aartista ngayon?
Mula nang masubaybayan namin ang career ni Shyr ay ngayon lang namin siya narinig na magsalita ng ganun, dati kasiy parang laro lang sa kanya ang pagharap sa mga kamera, pero ngayon ay ramdam na ramdam namin ang kanyang kaseryosohan.
Nung mga panahong parang nagtatapon lang ng salapi ang kanyang inang prodyuser, kailanman ay hindi pumasok sa isip ni Shyr ang pagseseryoso sa kanyang career.
Kung may proyekto ay sideline lang, kung wala ay di wala, ganun lang ang kanyang katwiran noon.
Pero ngayon ay ibang-iba na siya, handa siyang magsimula uli sa wala, kung maliliit na roles lang muna ang ibibigay sa kanya ay walang problema.
"Im more than willing to start all over again, theres nothing wrong kung maliliit na roles lang muna ang maibibigay sa akin, ang importante makabalik uli ako," seryosong sabi ni Shyr nang makakwentuhan namin.
Si Daddie Wowie Roxas na eksperto sa magandang pagpapakete sa kanyang mga alagang artista ang manager ni Shyr Valdez, nang lumapit siya kay Daddie Wowie ay nalaman niyang pinaimbestigahan pa pala muna ng manager ang kanyang pagkatao, bago siya tinanggap nito.
Siyemprey nakalalamang ang magagandang puntos-katangian na narinig ng manager kaya nang sumunod silang magkita ni Daddie Wowie ay nag-usap na sila ng masinsinan.
Kung talento ang pag-uusapan, hindi man siya ang pinakamahusay na singer o artista ay may ibubuga si Shyr, kaya niyang lumaban ng sabayan kahit pa sa hosting, kaya imposibleng walang pintuang magbubukas para sa kanya sa mga panahong ito.
Kung PR naman ang pag-uusapan ay lalo siyang mayaman, dahil ilang negosyo na ng kanilang pamilya ang siya mismo ang humawak ng matagumpay.
Ang totoo ay mas maganda siya ngayon, idagdag pa ang kanyang personalidad na maraming katawan ng mga sexy stars diyan ang kakabugin.
Welkam na welkam sa kanya ang mga pagpuna, para sa kanya ay hindi ikinagagalit ang ganun, dahil alam niya na makatutulong sa kanyang pangangarap ang mga wastong pagpuna ng ibang tao.
Pero isang bagay na dala-dala pa rin hanggang ngayon ni Shyr ay ang magandang imahe at pakikisamang iniwanan ni Ninang Cherry sa mga taga-industriya, malawak ang naitanim na pakikisama ng kanyang mommy, na tiyak na gagawa ngayon ng milagro sa kanyang pagbabalik.
Ipinapakete na siya ng maayos ngayon ni Daddie Wowie, isa sa mga managers sa showbiz na gustung-gusto namin, dahil kapag humawak siya ng artista ay maingat na maingat at nasa tamang direksyon.
Welkam bak, Shyr Valdez!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended