Parehong box office hits ang dalawang pelikula. Bold ang isa at bagets movie naman ang ikalawa. Magagaling ang direktor ng movies, si Quark Henares sa Gamitan at si Gilbert Perez sa Jologs. Dalawang newcomers ang featured sa pelikula ni Quark, sina Maui Taylor at Jordan Herrera na parehong nagpakita ng potensyal sa pag-arte. Star studded naman ang Jologs with Baron Geisler stealing the thunder from his co-stars.
"Kami lang ang sinehan na gumagawa nito, ang magpalabas ng hanggang sa tatlong pelikula araw-araw," pagmamalaki ni G. Chua na pinasyalan namin nung Huwebes ng gabi nina Letty Celi, Nora Calderon at Joseph dahilan sa hindi kami nakasipot sa kanyang kaarawan na dun din ginanap sa Mile Long sa Amorsolo St., Makati. Dahilan sa kaabalahan niya sa nasabing lugar kung kaya isang beses sa isang linggo na lamang siya matatagpuan sa kanyang opisina sa Gotesco Theater.
Marami namang nanood ng Signs, ang pelikulang ipinalalabas nung dumating kami. He was inviting us para sa 10:30 showing ng Austin Powers pero, tumanggi kami dahilan sa napakalayo ng Makati sa aming mga inuuwian sa Quezon City.
Nanatili pa rin ang Premiere Cinema na nagtataglay ng isa sa pinakamagandang sound system sa bansa at isa rin sa pinakamalamig.