^

PSN Showbiz

Habang wala si Pops, si Ryan muna sa Morning Girls

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -
Grabe pala ang nangyari sa isang actress na dating wife ng comedian. Ngayon daw kasi, wala siyang choice kundi mag-escort sa mga rich businessman. Lady escort, meaning babayaran ka ng certain amount for your service kasama na of course ang alam n’yo na kung ano.

Very dependent siya sa kanyang asawa bago sila naghiwalay. Kaya naman nang maghiwalay sila dahil sa sobrang seloso ng comedian, hindi niya alam kung paano susuportahan ang kanyang mga anak na naiwan sa kanya.

Wala naman daw movie offer ang actress kaya desperate na siya kung paano kikita. Ito ay kahit sinabi niyang willing na siyang mag-bare na hindi niya ginawa bago siya nagpakasal no’n.

Poor girl. Kung hindi sana siya nag-asawa agad, sana maganda ang career niya ngayon.
* * *
Umalis na si Pops Fernandez for a series of shows sa US. Si Ryan Agoncillo ang magiging guest co-host ng Morning Girls.

Pero hindi girl si Ryan ha! Ibig sabihin nito, balik muna sa 11:00 a.m. slot si Ryan na for almost a year ay naging regular siya sa Talk TV na pinalitan ng Morning Girls.
* * *
Paging MTRCB! Nakaka-alarm ang mga unedited messages na lumalabas sa greetings portion sa Channel 11 sa cable TV. Imagine, nami-mention nila ang word na ‘kantu--- mo ako’ - from jagb---.

Although medyo late na ‘yun, still hindi pa rin advisable nai-air ‘yun.
* * *
Meron na raw silent quarrel ang Powerboys. You read it right folks! At this early, meron ng intriga sa group. Pero si Jordan Herrera lang daw ang kalaban ng grupo. Masyado raw kasing malakas ang arrive ni Jordan na ikinaiinis ng ibang power boys.

Actually, hindi lang daw ang ibang power boys ang nai-M as in naiimbyerna kay Jordan kundi maging ang ilang taga-talent center including Carlos Agassi. One time raw nga, nagkita sila Carlos Agassi at Carlos Morales sa Gold Gym sa Makati, na-mention ang name ni Jordan dahil ganoon din ang observation ni Carlos M - sobrang lakas ng dating nito.

Isang young actor pa raw ng ABS-CBN ang nagsabi na feeling pa raw ni Jordan, lahat ng girls may crush sa kanya.

At kung dumating daw si Jordan sa ABS-CBN, naka-Expedition pa na ayon sa isang source, samantalang hindi naman sa kanya ang nasabing car. Kay Jojit de Niro raw ito na sinasabing gay benefactor ni Jordan hanggang ngayon.

Anyway, final na rin daw ang decision ni Jordan na hindi tanggapin ang Sukdulan na supposedly directorial comeback ni Peque Gallaga. Sabi raw ni Jordan, ayaw na niyang mag-bold kaya hindi niya tinanggap ang nasabing offer. Personal choice pa naman daw siya ni Direk Peque na as of presstime ay nag-back out na rin sa project. Si Tikoy Aguiluz na raw ang magdidirek ng Sukdulan.

Influenced daw ng manager niyang si James Salas ang decision ng Rexona boy. Ini-inject daw kasi sa mind ni Jordan na wholesome ang image niya. "Pero ang plano sa kanya ng ABS-CBN, maging male version lang ni Angela Velez, marami ngang guesting pero nagpapa-sexy lang. Dapat matuto na rin siyang magtahi ng sarili niyang outfit," my source revealed. Common knowledge kasi na si Angela ang nagde-design ng mga ginagamit niyang outfit particular na sa MTB.

Well parang nagko-contradict ang sinasabi ng manager niya sa magiging career ni Jordan. Kawawa naman siya, may mga taong nagdi-dictate sa kanya. "Hindi nga niya napasikat (referring to James Salas) ang sarili niya, ibang tao pa kaya," comment ng isang observer.

Wait and see na lang tayo kung anong mangyayari sa career ni Jordan.
* * *
Hanggang ngayong ay issue pa rin ang tungkol sa girl named Elizabeth Dario na sinasabing pinuntahan ni Parañaque Mayor Joey Marquez sa US para kausapin dahil sa threat nito na magsasalita na rin siya at sinasabing reason kaya nakipag-cool off si Kris Aquino kay Joey. Actually, last Tuesday, na-mention ko ang tungkol kay Elizabeth. The following day, isang e-mail ang na-receive ko from a certain Elizabeth Sario na nagsasabi na hindi siya ang girl na niri-refer sa ibang article tungkol kay Joey. Actually, I’m referring to Elizabeth Dario not Sario, pero I decided na rin to publish her letter.

Hi I’m Elizabeth and I’m not the CORRECT person you’re referring to in your article today, so please retract your statements because it’s misleading & wrong information. I live in Philippines & I’m here now (825-1011) and I’m not the person from L.A. :-)

I’m not siding with anyone. I feel sorry for the kids though because I know what they’re going through. I hope they will be protected by God from further pain.

All I can say is "my heart jumps out for the children of Joey by Ness (Alma). I would never subject my own to that kind of situation where the father or mother is deprived of parental rights. I’ve always been generous in sharing my children with their dad because I believe in harmony & positive living. In the past, I respected their marital life co’z that’s how I want my privacy to be respected as well.

You owe me an apology.

Ms. Elizabeth

mailto:[email protected]
* * *
Salve V. Asis’ e-mail - [email protected]/[email protected]

vuukle comment

CARLOS AGASSI

CENTER

DAW

ELIZABETH DARIO

JAMES SALAS

JORDAN

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with