Pinamagatang "The Seven Universal Principles On How To Become An Entertainment Celebrity" ito ay isinulat ni G. Renato "Tato" Malay, isang may 25 taong karanasan sa industriya ng musika at showbiz.
Sadyang nilikha ang aklat na ito para sa mga kabataang gustong sumikat, mga kilala nang artista na may balak sumikat pa ng husto at doon sa mga superstars na at gusto na lamang mapanatili ang kanilang kasikatan sa mahabang panahon.
Nagtatampok ito ng mga larawan ng may-akda kasama ang mga banyaga at lokal na celebrities gaya nina Celine Dion, Dayanara Torres, Julia Fordham, Coco Lee at Destinys Child at maging sikat na artista natin tulad nina Sharon Cuneta, Lea Salonga, Kris Aquino, Dina Bonnevie, Gretchen Barretto, Gary Valenciano, APO, Pops Fernandez at iba pa.
Sa huling bahagi ng aklat ay matutunghayan ang gabay kung paano mag-audition para sa isang record company. At gabay na dapat gawin ng isang artista kung papano nito makakamtan ang kanyang pangarap. Ang "The Seven Universal Principles On How To Become An Entertainment Celebrity" ay mabibili na sa lahat ng bookstores sa mababang halaga. (Ulat Ni Bing Adorna)