Joey pinagsisihan ang pahayag laban kay Alma
August 30, 2002 | 12:00am
Isang nagpapakumbabang loob na Joey Marquez ang nakapanayam namin sa programa ni Inday Badiday sa DZMM kamakailan lang. Aniya, dala lang umano ng bugso ng damdamin kaya nakapagbitiw siya ng mga salitang nakasakit sa asawa nitong si Alma Moreno.
Malumanay na sinabi ng mayor ng Parañaque na pinagsisisihan niya ang kanyang naging pahayag na sising-sisi siya sa pagpakasal sa ina ng kanyang mga anak. Nagsama ng 12 taon ang dalawa at biniyayaan sila ng apat na supling na ayon sa aktor-politician ay mahal na mahal niya. Ganoon pa rin daw ang nararamdaman nito para kay Alma. Hindi nito maiaalis na si Alma ang ina ng kanyang mga anak at natural lang sa kanya na mahalin ang nagbabalik-pelikulang aktres bilang ina ng kanyang mga anak tulad din ng pagmamahal niya sa kanyang ina.
Sa kabilang banda, pinabulaanan niya ang balitang pinutol na niya ang sustento para sa kanyang pamilya. Aniya, kailanman ay hindi siya nagkulang sa kanyang pamilya at walang patlang ang kanyang pagbibigay ng suporta sa mga ito. Ayaw niyang maghirap ang kanyang mga anak at hanggang maaari ay ibibigay niya sa kanyang pamilya ang nararapat na kalinga at pagmamahal para lumaking mabubuting tao ang mga ito. (Ulat Ni Alex Datu)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended