Rica, Maui may kissing scene sa 'Hibla'
August 30, 2002 | 12:00am
Sayang at alas-nuebe na ng gabi ay hindi pa dumarating si Maui Taylor. May pa-presscon sa kanila ni Rica Peralejo ang Viva Films para sa pelikulang Hibla, ang unang pelikula na pagsasamahan nilang dalawa bilang mga bida. Istorya ng dalawang magkaibigan, sina Isabel (Rica) at Clara (Maui) mula sa isang maliit na bayan na nagkahiwalay nang ang mga magulang ni Clara (Ricky Davao) ay magpasyang pumunta ng lungsod kasama ang anak para hanapin ang kanilang kapalaran.
Tinanggap ng magkaibigan ang kanilang paghihiwalay. Mayroon namang boyfriend (Antonio Aquitania) si Isabel na bagaman at mahal niya ay ayaw niyang pagbigyan ang mga sexual advances. Ito ang natutunan niya sa kanyang tiyahin (Tina Monasterio) na nagpalaki sa kanya.
Bumalik ng probinsya si Clara at ang kanyang ama. Sumama sa ibang lalaki ang kanyang ina na naging dahilan para maging self-destructive si Clara.
Tinangkang ibalik ng dalawa ang kanilang closeness. Pero iba na ang pananaw nila sa buhay. Ang ama ni Clara ay naakit kay Isabel bagaman at parang ama lamang ang pagtingin nito sa kanya.
Ang sexual frustration naman ng boyfriend ni Isabel ay napunan ni Clara. Natutunan pa niya itong mahalin. Sa kanilang paghahanap ng fulfillment, kalungkutan ang nakamtan ng dalawa sa huli.
Sinabi ni Rica na mayroon silang mga lovescenes ni Ricky sa pelikula.
"Sabi ko nga sa kanya, kailangang paghandaan na namin ito. Kasi baka pareho kaming matawa kapag kinukunan na ang eksena. Matagal din kaming nagkasama sa Okatokat at isa siya sa mga nakasali sa 18 Roses nung debut ko," ani Rica.
Mayroon ding kissing scene sina Rica at Maui na aniya ay dapat abangan ng mga manonood. "Wala itong malisya, hindi isang sexual kiss. Tinuturuan lamang niya ako kung paano humalik. Naging city girl siya sa movie at naiwan akong promdi at manang sa probinsya," kwento ni Rica.
Nakatutuwa na hindi man lamang nagalit o kinakitaan ng pagkainis si Rica habang hinihintay ang pagdating ni Maui na ayon sa isang kasama nito ay manggagaling pa raw sa school. In fact, tawag pa siya ng tawag dito para madaliin ang pagdating nito, isang pruweba na magkaibigan sila.
Nakatutuwang kahit parehong may boyfriend at girlfriend sina Katherine de Castro at Aljo Bendijo ay marami pa ang umaasam na maging totoo silang romantic tandem sa likod ng kamera. Bagay na bagay kasi silang magkasama sa pagbibigay ng balita sa programang Magandang Umaga Bayan sa ABS-CBN.
Bago pa lamang ang relasyon ni Katkat, palayaw ng mga kasamahan ni Katherine sa kanya samantalang may apat na taon na ang relasyon ni Aljo sa kanyang girlfriend na nasa Davao. Swerte namang kapareho nila ng trabaho ang kanilang mga ka-relasyon.
"Madalas nga akong tawagan ng mga babae na nagsasabing girlfriend nila si Aljo at kung maaari raw ay iwan ko siya," kwento ng batang newscaster ng Dos.
"Sabi ko sa kanila ay si Aljo ang palayuin nila sa akin. Ewan ko lang kung paano nila ito gagawin dahil magkasama kami sa trabaho," natatawang dagdag pa ni Katkat na itinuturing na baby ng kanyang mga kasamahan sa MUB.
Bagaman at isa pa lamang baguhan sa larangan ng news reporting, umaagaw na agad ng pansin si Katherine dahilan sa kanyang kahusayan at kagandahan. A graduate of Communication Arts from Miriam College, inamin niya na marami siyang natutunan sa kanyang ama na numero unong idolo niya pagdating sa Broadcast Journalism. "Pero, alam ko na maraming taon pa ang kailangan ko before I could even approximate his mark in broadcasting," aniya.
Galing Davao naman si Aljo na nagsimula bilang news reporter sa ABS-CBN Davao hanggang maging executive producer, director at news anchor at malipat ng Maynila. "Sa Davao, maraming taong under sa akin pero dito sa Maynila, ako ang maraming boss," natatawang kwento ng guwapong news anchor na unti-unti nang nakakapag-adjust sa mabilis na takbo ng buhay sa siyudad.
Is marriage in the offing?
"Malayo pa. Hindi pa ako handa financially," ang maagap na tugon niya.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended