Isabel Granada isang buwan nang di umuuwi ng bahay

Gusto lamang niyang maging independent. To grow at magkaroon ng sariling disposisyon. To be part of the decision-making, na laging ang mother niya ang nasusunod mula sa kung ano ang isusuot hanggang sa kanyang lovelife.

At 26, she wants her freedom. Pero hindi naman yung kalayaang lumayo na ng tuluyan sa kanyang ina. Sooner or later, she would live a life of her own, with someone she loves, and start a family.

Today, one month nang hindi umuuwi sa kanila si Isabel Granada. Noong mga unang araw, walang nakakaalam kung saan siya tumutuloy, not even her boyfriend of one year (they celebrated their 1st year anniversary last August 21), pero hindi sila magkasama on that day.

Nasa States si Isa at may natanguan silang show doon, kaya nag-celebrate na lang sila nang makabalik ang dalaga. After ng guesting nila sa Startalk, nagtuloy sila sa Rockwell, with a couple of friends, to have dinner. That’s how they celebrated their 1st year anniversary.

Ibinibintang kay Geryk Genaskey ang mga kaganapan between Isabel and her mom. Ang paglalayas at pagrerebelde raw ni Isa ay dahilan sa sulsol ng boyfriend na kinunsinti ng pamilya nito.

"Matagal na yung misunderstanding nilang mag-ina at noon pa man, gusto na talaga ni Isabel umalis at magsarili. Lagi ko siyang pinapayuhan na huwag niyang gagawin yun, she would always be your mom, sinasabi ko sa kanya. Talk to her again, paulit-ulit kong payo sa kanya.

"Pero hindi na nga sila puwedeng mag-usap ng maaayos, laging may bangayan, they cannot come to terms, parang her mom refuses to give her the chance to explain, and or give in to her request. I guest, napuno na si Isa.

"Nagkataon lang na boyfriend niya ako, and I have to protect and support her, hindi ko siya puwedeng pabayaan. Hindi naman siguro masama yun. Mali yung paratang na ako o kami pa ang magsusulsol sa kanya na maglayas at iwan ang kanyang mother.

"Even my family, sinasabihan si Isa na makipag-usap sa mama niya. We don’t want to widen their gap, sila lang ang puwedeng mag-ayos ng kanilang differences.

"Sa pagkuwento ni Isabel sa akin, there’s more to this "freedom" thing which Isabel want. May mas malalim pang dahilan ang di nila pagkakaunawaan, but I’d rather keep mum about it. Let Isa talk, kung gusto niyang sabihin ang lahat-lahat, para maunawaan naman ng iba why she did it." (Ulat ni BEN DELA CRUZ)

Show comments