Ayon sa aking source ay biglang nagbago ang aktres at ngayon ay maaga na kung mag-report sa set at hindi na sakit ng ulo ng direktor.
Ang dahilan pala ay nakarinig ito ng bulung-bulungan na kapag hindi pa siya nagbago ay baka patayin na ang karakter niya sa soap opera na nilalabasan niya. Natakot tuloy siya!
Ang sikat na aktres ay versatile dahil pwede itong bida at pwede rin maging kontrabida.
Ayon sa magandang aktres ay gusto niyang kumuha ng masters degree sa kursong nauukol sa communications. Hinihintay pa rin nito si Mr. Right sa kanyang buhay at sinabing 10 years from now at baka may sarili na itong pamilya at masayang namumuhay sa piling ng asawa at mga anak.
Visible pa rin si Beth sa mga TV appearances lalo na sa mga talk shows at naghihintay na lamang ng tamang proyekto.
Kahit hindi pa naipalalabas ang pelikulang Alyas John Doe ay abala naman ngayon sa kanyang mga TV guesting si Angelica Jones.
Katunayan, madalas itong maging guest sa Idol Ko Si Kap at kamakailan ay panauhin ito sa Daddy Di, Do, Du, kapareha si Tirso Cruz III.
Bagamat may mga offer ito para sa mga sexy movies ay tinatanggihan ito ng magandang aktres dahil hindi siya handang lumabas sa mga pelikulang may daring scenes.
Abala rin si Angelica sa mga out-of-town shows.
Isa rin sa bida ng pelikulang Munting Tinig si Bryan na tinatampukan ni Alessandra de Rossi at ilalaban sa Toronto Film Festival.
Nahasa na sa akting si Bryan dahil bata pa ay lumalabas na ito sa pelikula at stageplay. Sa murang edad ay nakakapagmemorya na ito ng mahahabang linya kaya nang gawin nila ang isang pelikula ni Cesar Montano kung saan ginampanan nito ang papel na anak niya ay humanga sa kanya ang direktor na si Marilou Diaz Abaya. Dahil sa potensyal ni Bryan ay sinusuportahan siya ng Talent Center lalo na ngayong malapit na itong mag-binatilyo.
Grade 5 sa La Salle Greenhills si Bryan. Mataas pa rin ang gradong nakukuha niya kahit aktibo sa extra-curricular activities gaya ng Munggawit Glee Club dahil magaling din itong umawit.
Naging mainstay ng Cine Eskwela si Bryan at alagang-alaga ng Dos kaya hindi nababakante sa pelikula at TV appearances.
Natutuwa kami at muling tinanggap ng Dos si Willie kung saan nagsimula itong maging guest sa ibat ibang programa gaya ng Morning Girls hanggang bigyan ng sariling show tulad ng Wish Ko Lang sa GMA 7. Natural naman ang pagpapatawa ng komedyante kaya lang huwag na niyang haluan ng kabastusan. Nagkaroon na ng leksyon si Willie tungkol dito nang matsugi ito sa MTB noon at kaya naapektuhan din ang aspetong pang pinansyal ng aktor.
Ang mga sponsors ng show ay ang mga sumusunod: MMG Films, Ellen Lising Skin Care & Permanent Cosmetics Corp., Access Training & Consultancy Center, Jun Encarnacion Hair Salon & Straightening Center at Soroptimist International (Dasma-Salcedo Club).