Ruffa, perfect choice para sa 'Gandang Ricky Reyes'

Basta binanggit mo ang pangalang Ricky Reyes, it is synonymous to beauty. Paano’y kinikilala at iginagalang sa larangan ng pagpapaganda... hair styling at make-up, ang beauty expert na si Mother Ricky Reyes na may-ari ng string of salons at producer-host ng lifestyle show na Beauty Plus na napapanood tuwing Linggo sa RPN-9, 11:00 a.m. to 12 noon.

Natural na sa paglulunsad ng Gandang Ricky Reyes ay pumili ng isang modelo na di lang maganda kundi classy, mayroong regal bearing at may dating sa mga kababaihan. Di lang dito sa atin kundi pati sa ibang bansa. At sino ba ang perfect choice ni Mother at ng kanyang creative people? She is none other than Ruffa Gutierrez who possesses exotic beauty, popular na movie star at isang beauty queen.

Of course, flattered naman si Ruffa nang alukin siyang maging image model ng Gandang Ricky Reyes. Laking-tuwa rin niya nang matikman ang Straight Perm (hair-straightening) na lalong nagpatingkad ng kanyang kagandahan. She also takes pride na makita ang naglalakihang billboards kung saan nakatambad ang kanyang beautiful face and very becoming hair style sa mga strategic points in Metro Manila and key cities of Visayas and Mindanao.

Ang Straight Perm ay offered sa lahat ng branches ng Ricky Reyes Salons all over the country. For inquiries, you may call Straight Hotline at tel. nos. 723-5440 and 721-7705. Try it and like Ruffa, you’ll be delighted to be dubbed Gandang Ricky Reyes. – Nene Riego

Show comments