Very wise naman ang decision ni Jolina na dun sa 3rd floor ng SM Fairview ilugar ang kanyang dalawang bagong negosyo. Puntahan ito ng mga bata at kasama ang kanilang mga magulang, kapatid at yaya, sapagkat entertainment center ito ng mall. Mayroon itong karnabal na katatagpuan ng ibat ibang rides. Naririto rin ang bowling alley, ang billiard center at ang stage na kung saan ginaganap ang maraming shows.
Third branch na ito ng Jolinas Fashion Gallery na pag-aari ni Jolina pero maraming humawak ng franchise ng nasabing novelty shop na ang konsentrasyon ay sa mga female accessories na si Jolina mismo ang gumagawa ng disenyo. May isa nang franchisee sila sa US.
Sinabi ni Jolina sa isang panayam matapos ang blessing ng dalawang stores niya na may ipinasara silang isang franchise nila pero ayaw na niyang banggitin pa kung saan ito. "Sa isang surprise visit namin kasi ay nakita namin na nagbebenta sila ng iba pang items bukod sa mga items namin. Eh bawal na bawal ito. Wala kaming choice kundi ipasara sila.
"Nakakalungkot man pero, kinakailangan naming protektahan ang mga negosyo namin. Kundi mawawalang saysay ang ginawa naming pagtatatag at pagpapalakas nito," anang batang batang-negosyante na patuloy na napapanood sa Kahit Kailan, Linggo, sa GMA7.
She is looking forward to her movie with Dolphy, ang Home Along Da River na pang Manila Filmfest at ang Annie Batungbakal na kung saan ay makakasama niya si Nora Aunor.
Lumabas na ang kanyang album na "Jolina Sings the Masters" mula sa Star Records.
Mayroon na silang debut album na inilunsad sa Hard Rock Cafe may ilang gabi na ang nakararaan.
Pinamagatang "In My Dreams", mayroon itong 11 cuts na nagtataglay ng ibat ibang musical styles at nagpapatunay sa versatility ng mga myembro. Carrier single nito ay "Why Cant We Be Friends?". Ang iba pang cuts ng album ay ang "Sailor Girl", "The Best", "Sexy Mama", "Shes Got Me Hooked", "Young Girl", "Helping Hand", "Its Too Late", "I Wont Quit", "En Mi Sueno" at ang remake ng "Youve Made Me So Very Happy", isang Motown classic.
May nagawa ng solo album ang dalawang bokalista ng Asciano, sina Topher at Butch, under major record labels.
Nagkaroon ng special show ang Asciano sa Matina Town Square sa Davao kahapon. Mapapanood sila regularly sa FAT Tuesday tuwing Martes, Shiraz tuwing Miyerkules at Bedrock tuwing Linggo.