Rodel binabayaran ng Pinay sa Canada ng P100 libo para maging ama ng kanyang magiging anak
August 24, 2002 | 12:00am
Isang Pinay na namamalagi na sa Canada ang kamakailan ay umuwi ng Pilipinas para lamang magpa-buntis sa isang Pinoy. Tatlumput dalawang taon na ang babae, maganda at mayroon namang magandang kabuhayan sa Canada. Gustung-gusto na nitong magka-anak pero, ayaw namang mag-asawa. Kaya naisipan nitong umuwi ng Pilipinas para humanap ng isang lalaki na makapagbibigay sa kanya ng isang anak. Kahit na magbayad pa siya.
Isang kaibigan niya ang nag-refer sa kanya ng tatlong pangalan ng mga sexy actors. Umayaw siya nang makita ng personal ang dalawang naunang sexy actor. Pero, nang makita niya si Rodel Velayo ay nagustuhan niya ito. Inoffer niya ito agad ng P100,000 at another P100,000 kapag nagbuntis na siya pero, tumanggi si Rodel.
"Hindi naman ako ganung klaseng tao. At saka naawa naman ako sa kanya. At naisip ko, paano ang magiging anak ko sa kanya kung saka-sakali? Magiging kawawa rin," ani Rodel nang makausap ko recently para sa promo ng kanyang pelikula sa Seiko Films, ang Bakat na nagtatampok kay Diana Zubiri.
Rodel is doing his own share of promoting the movie na aniya ay hindi lamang babae, si Diana, ang bida. "May artistang lalaki din naman dito," aniyang may pagdidiin pero walang pagtatampo. Tinatanggap na lamang niya ang katotohanan na mas pinapaboran sa atin ang mga artistang babae pagdating sa bold films, kaysa mga lalaki.
Ang Bakat ay tatlong ulit na nabigyan ng X rating.
"Kapag nagpatuloy ito, baka wala nang mag-produce pa ng pelikula," ani Rodel. "Wala namang penetration ang pelikula namin. Alam naming bawal ito at kahit naman kami hindi papayag na gawin yun. Matino namang direktor si Jun Posadas at ang cameraman namin, si Totoy Jacinto ay award winner din. Ganun din ang gumawa ng istorya ng movie na si Lualhati Bautista.
"Matagal na rin ako dito sa showbiz kaya, more or less, alam ko na kung ano ang nangyayari sa industriya. Bakit tuwing may bagong umuupo sa MTRCB, eh, bigla na lang silang naghihigpit? Di ba ang tungkulin ng MTRCB ay mag-classify lang kung for adults, pang-general patronage o parental guidance ang isang pelikula? Dapat nga ay ka-partner sila ng mga producer na milyun-milyon ang ginagastos para makagawa lamang ng pelikula," ilan sa maraming katanungan ni Rodel.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended
December 25, 2024 - 12:00am