Kris favorite bird: Kulasisi!

May ilang schoolmates pala si Maui Taylor na tinatarayan siya everytime na nagpupunta siya sa campus (hindi puwedeng i-mention ang name ng school). Pero dedma lang si Maui dahil mas marami namang nagsasabi na panonoorin nila ang Gamitan - her launching movie with Jordan Herrera and Wendell Ramos na nag-open sa more than 40 Metro Manila theaters last Wednesday. "Hindi na lang ako nagri-react sa kanila," she said sa victory party for the said movie.

May ilan kasing kontra sa decision niyang mag-bold at feeling ng ilang schoolmates niya, cheap ang ginawa niya. Pero wala siyang regret lalo na ngayong box-office ang movie.

Anyway, three weeks from now, darating ang British father niya para bisitahin sila. Landscape architect ito ro’n. Very much intact ang family nila contrary sa report na hiwalay ang parents niya. According to Roger Parajes, may ilang nagsasabi na hindi naman totoong British ang father niya. "May mga documents akong puwedeng ipakita kung sinong father ko. Saka darating siya, so makikita nila," she said.

Feeling niya, hindi kayang panoorin ng father niya ang Gamitan. "Pero bibigyan ko siya ng copy," she averred. Kung ang parents niya lang daw kasi ang masusunod, hindi raw ito favor sa pagpasok niya sa showbiz. Pero wala silang choice dahil since bata siya, dream na niyang maging artista.

Hibla
ang next project niya with Rica Peralejo and Ricky Davao. Nag-first shooting day na ang movie. May kissing scene sila ni Rica. "Hindi ko alam kung ready na ang Filipino audience sa ganitong pelikula," she said.

Ang director ng Gamitan ang nagsulat ng script ng Hibla sa direction ni Yam Laramas.

Hanggang next week pa showing ang Gamitan.
*****
Totoo raw na may camp na galit kay Lipa Mayor Vilma Santos na siyang behind sa kung anu-anong balitang lumabas sa kanya. Pinaka-latest ay ang sinasabing pag-kidnap sa kanya last Wednesday. Hindi ito ang first time na nabalitang nakidnap siya. Natatawa lang daw si Ate Vi pero at same time, natatakot din siya dahil baka nga may mga taong tumatarget sa kanya.
*****
Sobrang dami na nga ng Kris jokes sa text and e-mail. And take note, hindi lang dito. Kahit ang mga Filipino community sa ibang bansa na up dated thru web sites, talagang may kanya-kanyang joke. At ang latest Kris joke - Nakita sa highschool scrapbook ni Kris - favorite number 2; bird - kulasisi; relative - tita Tessie; movie - Mister Mo, Lover Ko; hang out - Makati, lotion - Caladryl, pang-alis ng kati.
*****
Salve V. Asis’ e-mail - sva@i-next.net/psnbabytalk@hotmail.com

Show comments