Pati si Cong. Zubiri dait sa isyung Kris/Joey
August 23, 2002 | 12:00am
Ayaw na ayaw ni Congressman Juan Miguel F. Zubiri na masabit sa usapang Joey Marquez at Kris Aquino pero, mayroon ilang mga tao na naniniwalang mas magiging makulay ang isyu kung madaragdagan pa ito ng isang personalidad na tulad ni Migs, ang pangalan na mas gusto niyang itawag sa kanya, kung kaya dinadagdagan na nila ang ilang mga pangungusap na binibitiwan niya tungkol sa kaibigang Mayor ng Parañaque. Gaya nang "Huwag manligaw ng bata" gayong ang sinabi lamang niya ay "Huwag munang manligaw dahil may problema pa sa Baclaran".
"Dapat ay tinatanong muna nila kung ano ang sinabi ko, hindi yong ipi-print na nila agad yung sa akala nila ay sinabi ko. This is libelous," anang batam-batang kongresista sa kanyang mga kaharap na entertainment writers nung Miyerkules ng tanghali. Isa yun sa napakadalang na luncheon na ipinaayos niya para makasama ang kanyang mga kaibigan sa media.
At 33, maituturing na isa pa rin sa pinakabata at most sought after na bachelor ang mambabatas mula sa Bukidnon. ("Sa year 2004 pa ako mag-aasawa," sabi niya) Pero, kahit binata pa siya, in love na in love siya sa kanyang girlfriend na mas bata sa kanya ng 13 years. "Kaya nga hindi ko pwedeng ipuntos kay Joey ang pagiging bata ng girlfriend niya dahil bata rin ang girlfriend ko," dagdag pa ni Migs, isa sa mangilan-ngilang kongresista na nakakuha ng tatlong sunud-sunod na perfect attendance sa Kongreso.
Isa rin siya sa aktibong myembro ng 19 na House Committees at principal author ng Comprehensive Dangerous Drugs Act, The Rent Control Act, Wildlife Conservation Act, Optional ROTC Act at AFP Rate Base Pay Increase Act.
May ilang bills pa rin siya na ipinapapasa sa Kongreso na may kinalaman sa iniinom nating tubig Clean Water Act, Drinking Water Regulation Act, Water Pollution Control Bill at Total Log Ban Bill, Philippine Disaster Preparedness and Prevention Capability, LGUs Empowerment Bill, Sodium Cyanide Regulation Bill, Workers Rights Bill, Public School Teachers Bill, Security of Tenure Bill, Increase In Pension of All Retired Govt. Employees Bill, Ban on the Sale of Cigars and Cigarettes to Minors Bill, Providing for the Promotion of Bio-Organic Farming In the Philippines Bill, Providing Warranties in Govt. Infrastructure Project at marami pa. Whew!!!!!
Bukod sa kanyang trabaho sa Kongreso, mapapanood si Migs sa kanyang public service segment sa Magandang Umaga Bayan, dalawang beses isang linggo. Hinahangad niya na mailagay ang segment na ito sa isang one-hour TV show para mas mabigyan pa ng oras, panahon at pansin ang mga nangangailangan.
Isa rin siya sa hindi pabor sa balak na pagpapakasal sa Kongreso ng kanyang kasamahang kongresista na si Cong. Jules Ledesma sa girlfriend nitong si Assunta de Rossi. Naniniwala siya na kapag pinagbigyan ang kahilingan ng dalawa ay marami na ang susunod dito. At baka raw pati binyagan ay sa Kongreso na rin gawin.
Makaraan ang mahigit sa isang taon ng married life, gusto nang magka-baby ng mag-asawang Jessa Zaragoza at Dingdong Avanzado.
Ang dalawa ay nagbabalak gumawa ng isang 2-week holiday simula sa Agosto 29 sa US para gumawa ng baby. Pero, ang talagang layunin nila sa pagpunta sa US ay para dumalo sa reunion ng pamilya ni Dingdong sa kanyang mother side.
Bago sila umalis, tatapusin pa muna ni Jessa ang kanyang kauna-unahang club act sa Hard Rock Cafe na pinamagatang So Fabulous sa Agosto 24, 9:00 ng gabi.
Sa kabila ng pangyayaring kinikilala na si Jessa bilang isang multi-platinum recording artist ("Bakit Pa?", "Di Bat Ikaw", etc), pangarap din niyang makilala bilang isang concert performer. Ang repertoire niya sa Hard Rock ay bubuuin ng electrifying Donna Summer medley at isang riveting Shirley Bassey medley.
"Wala akong alam na kanta ni Shirley Bassey pero, nang may mag-suggest na kumanta ako ng mga songs niya, nakita ko na bagay nga sa akin."
Aawitin din ni Jessa ang mga popular na awitin ni Toni Braxton, Cher at iba pa. Magkakapareho sila ng range ng boses.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended
January 10, 2025 - 12:00am