Ang ikinasasama ng loob ni lady produ ay ang ginagawa niyang pagmamalasakit sa kompanya na kung saan ang pinakamalaking investor ay isang male produ na isang abogado. Malaki ang naititipid ni lady produ sa cast ng pelikulang naipalabas na nila kaya nagtataka siya kung bakit nagpuputok ang butse sa kanya ni direk. Mabuti na lang at hindi naniniwala bagkus pinagkakatiwalaan pa siya ni male produ.
Ang lady produ ay isang dating aktres.
Balita namin na tinatapos na lang ang huling pelikula ni direk sa baguhang outfit at matatapos na ang serbisyo nito doon ayon sa aming source.
Ano kaya ang pakiramdam ngayon ni Kris Aquino ngayong malabong mangyari na makasal silang dalawa ni Joey? Pangarap pa naman ng TV host na iharap siya sa dambana ng kanyang mahal balang araw.
Legal na asawa pa rin si Ness at panahon na para manahimik na lang siya at huwag na muling gumawa ng eskandalo, alang-alang sa mga anak.
Nalulungkot nga si Angel dahil matatapos na ang soap opera sa Oktubre at mami-miss nito ang mga kasamahan sa teleserye. Lubha silang nagkalapit ng loob na parang isang pamilya.
Bilang exclusive contract ng GMA sa TV ay hindi naman nila pababayaan ang magandang aktres at may inihahanda na ngang malaking soap opera na ipapalit sa ILAM.
Hahataw din sa Japan si Angel dahil nakipagkita kamakailan si Mr. Kishibe ng Daichi Promotions sa kanya para sa singing engagements ng aktres sa nabanggit na lugar kasama ang Freshmen Band.
Ginampanan dito ni Van Damme ang papel ng NATO spy bilang si Jacques Kristoff na sasagupa sa mga nakakatakot na terorista para iligtas ang kanyang pamilya, mga pasahero ng tren at maging ang buong mundo.
Dahil sa delikadong mga stunts habang nakikipagbakbakan sa mga terorista ay nabalian ng kamay ang action star. Sa kabila nito ay ipinakita pa rin ni Van Damme ang propesyonalismo at ipinagpatuloy ang mga maaaksyong eksena.
Pinaka-highlight ng pelikula ang pagsasagupa ni Jacques at teroristang si Mason Cole habang rumaragasa ang tren.
Ang Derailed ay inaabangan na ng maraming manonood na mahilig sa aksyon. Labas na ito sa inyong paboritong mga sinehan sa Agosto 28 mula sa Solar Films. Tampok pa rin sina Tomas Arana, Elena Harring at Susan Gibney.