"The screen is a part of free expression na di dapat sansalain"
August 22, 2002 | 12:00am
Maliban sa medyo nag-mellow siya, walang nabawas sa talas at tikas ni Director Celso Ad Castillo nang muli siyang lumitaw sa LVN studios kamakailan upang panoorin ang rushes ng Virgin People III.
Matindi pa rin ang kanyang layag, humahabol sa kanyang mga pangitain sa pelikula sa panahon ng bagong henerasyon ng mga direktor sa kasalukuyan.
Sa panahon ng computerized animation sa pelikula, si Direk Celso Kid ang tanging survivor sa henerasyon nina Ishmael Bernal at Cirio Santiago ng dekada sisenta.
"At, marami pa tayong gagawing pelikula," sabi niya.
"Ito, (Virgin People lll), ang una, my kind of movie."
Tapos na raw at nasa post production na ang Mananayaw II at ayon kay Gng. Leonora McCullick, executive producer ng Heraxus Films, mauunang ipalabas ang Virgin People III kaysa Mananayaw II.
"Medyo nahirapan tayo sa limatik sa set ng Virgin people III sa paanan ng Sierra Madre sa Siniloan (Laguna)," ika pa ni Castillo. "Pero, mararahuyo kayo sa setting, my contribution to our tourism effort."
"Tapos na ang pagtitika ko," ayon pa rin sa direktor. "I have found myself... derecho na tayo rito (movie-making).
"Marami pa kayong dapat malaman tungkol sa aking buhay," ang banta niya. "Sa tugmang panahon, bago lumabas itong pelikula, pag-uukulan natin ang mga iyon ng pansin; gaya ng bakit palagi akong nawawala sa sirkulasyon?"
Ang pangkaraniwang direktor ay pure creativity and techniques.
"Ang kanilang pelikulay hindi bahagi ng kanilang pananaw sa buhay," ika pa ni Castillo. "It has to be a part of your inner thoughts, hindi lang pulos visuals.
"Kadalasan nga, hinuhusgahan ang ating mga pelikula sa mga ipinakikita lamang sa eksena, at hindi sa kabuuan ng mensahe nito.
"Ito ang kaibhan ng mga pelikula ko, wala akong inhibitions.
"The screen is a part of free expression na di dapat sansalain ninuman."
Abangan ang mga bagyo pang darating sa pamamagitan ni Direk Celso Ad Castillo.
Parang makakaapekto ng malaki kay Jordan Herrera ang ginawa niyang pag-amin on national television na totoo nga na mayroon na siyang anak. Matapos ang mga intriga at kontrobersya, umamin din siya. Ibig sabihin kaya ay inaamin din niya yung iba pang ibinibintang nila sa kanya?
Matuloy pa kaya yung follow up commercial ng Rexona? Masyado kasing maingat ang mga advertising companies sa ganitong mga iskandalo. Ayaw na ayaw nilang nasasangkot kahit sa pinakamaliit na gulo ang mga modelo nila.
Paano na yung balak na pagbi-build up sa kanya ng Viva Films na kung saan yata ay may mas mahaba-haba siyang kontrata kaysa sa six month contract niya sa MTB? Ang pag-aamin kaya niya ay mangangahulugan na mata-typecast na siya sa mga pelikulang bold?
Sayang naman kung saka-sakali. Ang galing galing pa naman niya sa Gamitan na kung saan ay sabay silang inilulunsad ni Maui Taylor. Katunayan, sold ang moviegoers sa performance niya. Kaya nga kumikita ang movie. Malaking factor siya sa box-office nito Napakalaki ng potensyal niyang makilala sa daigdig ng pelikula. Dapat siguro ay inunti-unti niya ang pag-amin para hindi nabigla ang kanyang mga followers, di ba James Salas?
Matindi pa rin ang kanyang layag, humahabol sa kanyang mga pangitain sa pelikula sa panahon ng bagong henerasyon ng mga direktor sa kasalukuyan.
Sa panahon ng computerized animation sa pelikula, si Direk Celso Kid ang tanging survivor sa henerasyon nina Ishmael Bernal at Cirio Santiago ng dekada sisenta.
"At, marami pa tayong gagawing pelikula," sabi niya.
"Ito, (Virgin People lll), ang una, my kind of movie."
Tapos na raw at nasa post production na ang Mananayaw II at ayon kay Gng. Leonora McCullick, executive producer ng Heraxus Films, mauunang ipalabas ang Virgin People III kaysa Mananayaw II.
"Medyo nahirapan tayo sa limatik sa set ng Virgin people III sa paanan ng Sierra Madre sa Siniloan (Laguna)," ika pa ni Castillo. "Pero, mararahuyo kayo sa setting, my contribution to our tourism effort."
"Tapos na ang pagtitika ko," ayon pa rin sa direktor. "I have found myself... derecho na tayo rito (movie-making).
"Marami pa kayong dapat malaman tungkol sa aking buhay," ang banta niya. "Sa tugmang panahon, bago lumabas itong pelikula, pag-uukulan natin ang mga iyon ng pansin; gaya ng bakit palagi akong nawawala sa sirkulasyon?"
Ang pangkaraniwang direktor ay pure creativity and techniques.
"Ang kanilang pelikulay hindi bahagi ng kanilang pananaw sa buhay," ika pa ni Castillo. "It has to be a part of your inner thoughts, hindi lang pulos visuals.
"Kadalasan nga, hinuhusgahan ang ating mga pelikula sa mga ipinakikita lamang sa eksena, at hindi sa kabuuan ng mensahe nito.
"Ito ang kaibhan ng mga pelikula ko, wala akong inhibitions.
"The screen is a part of free expression na di dapat sansalain ninuman."
Abangan ang mga bagyo pang darating sa pamamagitan ni Direk Celso Ad Castillo.
Matuloy pa kaya yung follow up commercial ng Rexona? Masyado kasing maingat ang mga advertising companies sa ganitong mga iskandalo. Ayaw na ayaw nilang nasasangkot kahit sa pinakamaliit na gulo ang mga modelo nila.
Paano na yung balak na pagbi-build up sa kanya ng Viva Films na kung saan yata ay may mas mahaba-haba siyang kontrata kaysa sa six month contract niya sa MTB? Ang pag-aamin kaya niya ay mangangahulugan na mata-typecast na siya sa mga pelikulang bold?
Sayang naman kung saka-sakali. Ang galing galing pa naman niya sa Gamitan na kung saan ay sabay silang inilulunsad ni Maui Taylor. Katunayan, sold ang moviegoers sa performance niya. Kaya nga kumikita ang movie. Malaking factor siya sa box-office nito Napakalaki ng potensyal niyang makilala sa daigdig ng pelikula. Dapat siguro ay inunti-unti niya ang pag-amin para hindi nabigla ang kanyang mga followers, di ba James Salas?
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended