Family raffle promo

Bilang pasasalamat sa mga sumusuporta sa mall at dahil sa anibersaryo nito, may ispesyal na promo ang Poulex Department Store and Supermarket na matatagpuan sa Cabanatuan City, Nueva Ecija na pinamagatang "Shop and Drive Family Raffle Promo". Ang mga shoppers na 18 taong gulang pataas na may minimum purchase ng P300 mula sa department store at supermarket ay magkakaroon ng isang raffle ticket. Ang grand prize winner ng raffle ay mananalo ng isang unit ng Toyota Revo DLX Gas with Hubcap. Ang grand raffle draw ay magaganap sa Pebrero 15, 2003 sa 2nd Level, Entertainment Plaza ng Megacenter the Mall.

Ang iba pang mga events sa Megacenter the Mall ay isang lingguhang variety show na magaganap tuwing Sabado. Mayroon ding fourday mall wide sale sa Agosto 30 hanggang Setyembre 2, at isang special show sa Agosto 31 na tatampukan nina Karlyn Bayot ng Particles at ni Christopher Peralta ng Molecules. Para sa karagdagang impormasyon, tumawag sa Megacenter the Mall sa telepono bilang 044-4631686.

Show comments