Vina, may bar tour series

Hindi pa man nakakapagpahinga ng tuluyan ang pinagkakapuring artist na si Vina Morales mula sa ibang bansa bilang guest ni Gary Valenciano sa mga concert nito, ito’y humahataw naman upang pagbigyan ang kahilingan ng kanyang mga fans na makipag-jamming sa kanya.

Wala ngang kapaguran si Vina, katunayan ay nagsimula na ang kanyang concert series sa pamamagitan ng Vina Morales, the Bar Tour Series sa Strumm’s Aug. 13, Dish, Aug 14, at Conways, Aug. 24.

Bukod dito ay napapanood para si Vina every Sunday sa ASAP ng ABS-CBN.

Show comments