Malayo ang naparadahan at nilakad namin. Kumakanta na si Sharon na i-usher kami sa aming upuan na marami sa aming nakatabi ay mga kasamahan ko sa panulat, mga entertainment writers and editors.
The night before, narinig ko na hindi raw maganda ang show. But in fairness to the producers and organizers of the show, sulit naman ang ibinayad ng manonood. Napakahaba ng palabas, 3 oras, at ni minsan ay hindi naman kinakitaan ng pagkapagod si Mega who seemed to enjoy reliving the past of one person na ang gusto lamang ay kumanta at marinig sa buong bansa. Mas higit pa rito ang narating niya. Narinig din siya sa labas ng bansa. Bukod sa pagiging isang matagumpay na singer, isa rin siyang ipinagkakapuring aktres, isang maligayang maybahay at ina ng dalawang mababait na anak. Ano pa ba ang mahihiling niya?
Ang ganda ng bahagi na ipinakikita ang mga nakapareha niyang aktor sa kanyang mga pelikula. Ispesyal na ispesyal ang presentation kay Christopher de Leon na sinabi niyang crush pa rin niya hanggang ngayon. Itinampok dun sina Richard Gomez, Cesar Montano, Rudy Fernandez, Fernando Poe, Jr. Rowell Santiago at marami pang iba. Syempre, hindi nawala si Gabby Concepcion. Sharon sang all her hit songs, sa recording at maging sa pelikula.
She sang the songs of Rey Valera, Willy Cruz at maging ng mga awitin ni Ryan Cayabyab na musical director ng concert at ng panauhin niyang si Louie Ocampo.
Special guest din ang UP Concert Chorus, si Martin Nievera at si Gary Valenciano.
Bagaman at dapat bilang panauhin, ay maging suporta lamang si Martin sa show, pero hinayaan siya sa stage ni Sharon nang umalis ito sumandali para magpalit ng costume. To his credit, hindi nainip ang tao kaya hindi lumaylay ang show kahit na nang matagalan ang pagbabalik ni Sharon. Ang dapat sana ay napaka-pormal na concert ay naging parang isang Karaoke show sapagkat Martin asked for the audiences requests and he gave in to all of their requests. Maski na yung "Kahit Isang Saglit" na kasama sa repertoire ni Sharon. It almost became Martins show kundi sa maagap na pagbabalik ng Megastar.
Martin was given another opportunity to steal the thunder not only from Sharon but from one of her guests, Gary Valenciano. Sa kanilang trio ng mga Broadway songs, nag-comedy pa si Martin na sinakyan at kinagiliwan ng audience. Buti na lamang at hindi siya naka-pormal na kasuotan, a maong pants and jacket suit, which was in contrast to Garys tuxedo and Sharons long formal.
Other stars of the show, would have felt offended na maagawan ng eksena ng kanilang guest pero, sa malas ay mas nag-enjoy pa si Sharon, at maski na siguro si Gary, sa malaking naging ambag ni Martin sa The Mega Event.