Sexy actress laugh to death sa kama
August 18, 2002 | 12:00am
Kakaiba pala ang sikat at magandang sexy actress na ito. May nakapagbulong sa akin na ibang klase ito kung makipagromansa.
May nakarelasyon ito noong una na kasamahan niya sa panghapong programa sa telebisyon. Naisyete ng aktor na kapag nagsi-sex sila ay tawa ito nang tawa lalo na kapag nakarating sa sukdulan ng pagtatalik.
Nagkaroon uli ito ng ikalawang karelasyon noong hindi pa gaanong sikat na taga-showbiz din, pero hindi artista. Ganito rin ang kwento ng binata na kapag nagtatalik sila ay tawa ito nang tawa.
Ngayong sikat na ay nali-link ito sa maysabit na kasama niya sa isang programa. Ganito rin kaya hanggang ngayon ang ginagawa niya kapag nagroromansa sila? Mainstay ng isang programa sa telebisyon ang aktres at in-demand sa paggawa ng pelikula.
Marami ang nagtatanong sa akin kung totoo nga ang balitang buntis si Kristine Hermosa. Nagtataka ang iba kung bakit sa Masbate pa ito nagpagamot gayung magagaling ang mga doktor sa Kamaynilaan at kumpleto pa ang mga kagamitan dito.
Nagpaliwanag na ang aktres at sinabing hindi totoo ang balitang siyay buntis. Kaya nagpalipas ng ilang araw sa kanilang probinsya si Kristine ay para makapagbakasyon, sumagap ng sariwang hangin at makapagpahingang mabuti. Kung sa lalawigan nga naman ay tahimik ito at malayo sa mga tawag sa telepono at pagdalaw ng mga kaibigan.
Ngayong magaling na siya ay tuloy na naman ang kanyang trabaho kahit malapit nang mawala sa ere ang Pangako Sa Yo. May inihahanda nang bagong teleserye para sa kanya.
Hindi magkandaugaga sa dami ng proyekto si Direk Roland Ledesma ng MMG Films. Katwiran nito ay maraming nabibiyayaang mga tao lalo na yong maliit na crew dahil sa tuluy-tuloy na paggawa ng pelikula ng kanilang kumpanya.
Ayon kay direk, ngayon ay nagbabalik-sigla na ang ating industriya dahil unti-unti nang nalulutas ang film piracy. "Isang malaking hamon sa aming mga direktor na gumawa ng magagandang pelikula dahil aminin natin na ibang klase pa rin ang foreign films kumpara sa movies natin dahil nga sa mga special effects na gamit nila. Ang mga theater remittances na inaabot ng tatlong buwan ay magiging 15 days na lang kaya natutuwa kami. Malalaking pelikula ang ginagawa namin ngayon gaya ng Agilang Bundok ni Lito Lapid, Mastermind, Malayo Man... Malapit Din, Black Tiger, Humanda Ka, Hudas at iba pa. Bukod kay Lito ay balak din naming kunin si Ace Vergel para sa isang proyekto kasama si Ronald Gan na may titulong Idolo Kita Noon, Itutumba Kita Ngayon. Mayroon pa kaming Mikey Arroyo-Manny Pacquiao movie," aniya.
Sinabi pa rin ni Direk Ledesma na talagang puro death-defying stunts at naiibang aksyon ang inihahandog nila sa mga manonood na hindi pa nila nakikita sa ibang movies. "Sa Stuntman na pelikulang pagtatambalan nina Ronald at Jessa Zaragoza ay may peligrosong eksena ang aking anak kung saan ihuhulog ang kotse sa San Juanico bridge kasama si Ronald kaya kailangang makalabas siya agad kapag bumagsak ito dahil delikado ito pagsabog ng kotse," dagdag pa ni direk.
Wala namang problema ngayong nararanasan si direk dahil propesyonal ang mga artistang nakakatrabaho nito.
May nakarelasyon ito noong una na kasamahan niya sa panghapong programa sa telebisyon. Naisyete ng aktor na kapag nagsi-sex sila ay tawa ito nang tawa lalo na kapag nakarating sa sukdulan ng pagtatalik.
Nagkaroon uli ito ng ikalawang karelasyon noong hindi pa gaanong sikat na taga-showbiz din, pero hindi artista. Ganito rin ang kwento ng binata na kapag nagtatalik sila ay tawa ito nang tawa.
Ngayong sikat na ay nali-link ito sa maysabit na kasama niya sa isang programa. Ganito rin kaya hanggang ngayon ang ginagawa niya kapag nagroromansa sila? Mainstay ng isang programa sa telebisyon ang aktres at in-demand sa paggawa ng pelikula.
Nagpaliwanag na ang aktres at sinabing hindi totoo ang balitang siyay buntis. Kaya nagpalipas ng ilang araw sa kanilang probinsya si Kristine ay para makapagbakasyon, sumagap ng sariwang hangin at makapagpahingang mabuti. Kung sa lalawigan nga naman ay tahimik ito at malayo sa mga tawag sa telepono at pagdalaw ng mga kaibigan.
Ngayong magaling na siya ay tuloy na naman ang kanyang trabaho kahit malapit nang mawala sa ere ang Pangako Sa Yo. May inihahanda nang bagong teleserye para sa kanya.
Ayon kay direk, ngayon ay nagbabalik-sigla na ang ating industriya dahil unti-unti nang nalulutas ang film piracy. "Isang malaking hamon sa aming mga direktor na gumawa ng magagandang pelikula dahil aminin natin na ibang klase pa rin ang foreign films kumpara sa movies natin dahil nga sa mga special effects na gamit nila. Ang mga theater remittances na inaabot ng tatlong buwan ay magiging 15 days na lang kaya natutuwa kami. Malalaking pelikula ang ginagawa namin ngayon gaya ng Agilang Bundok ni Lito Lapid, Mastermind, Malayo Man... Malapit Din, Black Tiger, Humanda Ka, Hudas at iba pa. Bukod kay Lito ay balak din naming kunin si Ace Vergel para sa isang proyekto kasama si Ronald Gan na may titulong Idolo Kita Noon, Itutumba Kita Ngayon. Mayroon pa kaming Mikey Arroyo-Manny Pacquiao movie," aniya.
Sinabi pa rin ni Direk Ledesma na talagang puro death-defying stunts at naiibang aksyon ang inihahandog nila sa mga manonood na hindi pa nila nakikita sa ibang movies. "Sa Stuntman na pelikulang pagtatambalan nina Ronald at Jessa Zaragoza ay may peligrosong eksena ang aking anak kung saan ihuhulog ang kotse sa San Juanico bridge kasama si Ronald kaya kailangang makalabas siya agad kapag bumagsak ito dahil delikado ito pagsabog ng kotse," dagdag pa ni direk.
Wala namang problema ngayong nararanasan si direk dahil propesyonal ang mga artistang nakakatrabaho nito.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended