Diana, Triple X Queen

Malakas ang loob ng Seiko Films na ilabas sa publiko at sa movie press ang pinakabago nilang discovery na si Diana Zubiri na bida sa pelikulang Bakat. Iba kasi ang dating ng bagong bold star at hindi ito pinulot lang sa kung saan-saang lugar.

Si Diana ang may pinakamagandang mukha sa mga baguhang sexy stars. Bukod sa pagiging flawless, she can also speak English. Marunong sumagot sa mga tanong sa kanya. Walang kiyeme sa katawan. Nakakaarte.

Alam ni Diana na medyo mahigpit ang kompetisyon sa kanilang mga bold stars ngayon. Pero handa raw siyang makipag-sabayan sa kanila.

Nabigyan ng X rating sa tatlong magkakasunod na review ng MTRCB ang kanyang pelikulang Bakat. Sobrang bold daw kasi ang pelikula kaya hindi pa man natatapos panoorin ng ibang mga taga-MTRCB ang kabuuan ng Bakat ay binigyan na agad nila ng X rating. Naka-triple X na ito ngayon kaya nga ang tawag ngayon kay Diana ay Triple X Queen.

Ayon kay Direk Jun Posadas, nagulat lang daw siguro ang ilang myembro ng screening committee ng MTRCB nung napanood nila ang pelikula. "It’s in the story naman why Diana need to show her body. May sakit siya sa pelikula. Na-justify naman namin ‘yon kaya siguro pinayagan na nilang maipalabas ang movie namin."

Sang-ayon ba naman si Diana na tawagin siyang Triple X Queen?

"Yeah, it’s kinda cute. Okey lang yung triple X Queen kesa naman tawagin nila akong Porno Queen or Pene Queen, di ba? Di ko na yata mate-take ‘yon," tugon agad niya.

"Baka kasi isumpa ako ng ilang relatives ko pag na-associate ang pangalan ko as Porno Queen. Grabe na ‘yon ha!" pabiro pa niyang pahayag.

Tinanggal ba ang bold scenes niya sa movie?

"It’s still there. Yung gusto nilang makita sa akin, makikita pa rin nila sa movie, dahil finally naintindihan ng MTRCB ang punto ng aking paghuhubad at ang message na gustong iparating ni Lualhati Bautista," masaya niyang pahayag.

Show comments