Assunta close na sa mga anak ni Jules

Hanggang ngayon, marami pa ring nagtatanong kung sino si Mari-Len Dinglasan. In fact, when President Gloria Macapagal Arroyo announced the appointment of Mari-Len Ysmael Dinglasan bilang new chairperson ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), the immediate reaction was who is she?

Actually expected naman ‘to considering that the MTRCB chief is a high profile position at associated with the likes of Gimo de Vega, Maria Kalaw Katigbak, Manoling Morato, Jess Sison, Armida Siguion-Reyna and very recently, the writer and former Education Secretary Anding Roces.

Now it’s Mari-Len Dinglasan’s turn. Hindi siya masyadong kilala except perhaps by those close to GMA. Pero lubos ang pagpapahalagang ibinibigay niya sa manonood ng pelikula at telebisyon bilang pangunahing libangan ng higit na nakararami kung kaya’t nararapat lang na magampanan ng MTRCB ang kanilang tungkulin.

Bilang bagong hirang na pinuno ng MTRCB, naniniwala si Chairman Dinglasan na bukod sa pagiging libangan, ang pelikula at telebisyon ay maaaring kapulutan ng kaalaman tungo sa kabuuan ng paniniwala ng tao sa kanyang sarili, sa pamahalaan at sa kapaligiran. Lalong nagiging mahalaga ang papel ng MTRCB kung ang pagtutuunan ng pansin ay ang kabataang Pilipino at ang kanilang magiging kinabukasan.

Si Dinglasan ay mayroon nang mahigit-kumulang na 25 na taong karanasan sa pamamalakad ng negosyo at sa gawaing pang-sibiko.

Sa kasalukuyan, tumatayo siya bilang trustee at program director ng Ginintuan at Makabayang Alay Foundation at ng Parent Enrichment Service Ahon Magulang Program sa pamamahala ng DSWD at ng pamahalaang lokal.

Siya rin ang nahirang na pangalawang pangulo ng Bottolengo Filipino (Blessed Luigie Oreone) Bahay Para Sa May Kapansanan at ng Maharlika Village Islamic Foundation, bukod sa pagiging trustee ng mga nasabing organisasyon.

Matagal na panahon din ang kanyang nailaan sa mga gawaing sibiko.

Kabilang din siya sa pamunuan ng Alerta Labandera, isang grupo ng mga kababaihan na sumusuporta sa mga programa ni Pangulong Arroyo, pangunahin na rito ang programa para sa mga mahihirap.

Tumayo rin siyang vice chair ng Video Regulatory Board (VRB) bago siya nahirang na MTRCB chair.

Siya ay nagtapos ng Bachelor of Science in Biology sa St. Bonaventure University sa New York bukod sa kanyang Certificate in the French Language mula sa Villa Miramonte, Montreux sa Switzerland.

Sa Assumption Convent sa Manila siya nagtapos ng elementary at high school kung saan sila unang nagkakilala at nagkasama nang Pangulong Arroyo.

Samantala, ayaw niyang mag-comment sa impact ng ginagawa ni Kris Aquino since jurisdiction niya ang television. Ayaw niya raw kasing ma-intriga bagama’t puwede siyang magbigay ng warning sa management ng ABS-CBN. "I just pray for her," sabi niya.
* * *
"It’s a private matter. As much as possible ayokong maging issue ang buhay namin. Gusto nga namin, matapos na ‘to," react ni Assunta de Rossi sa issue na kasal na sila ni Congressman Jules Ledesma. Kasabay daw ng birthday ni Congressman ang civil wedding rites nila. "Birthday niya ‘yun and my daughter-in-law," she said.

Wala ring denial kung sa bahay na siya ni Congressman nagi-stay. "Like what I’ve said earlier, gusto kong maging private ‘yung mga ganyang bagay. Wala na sigurong pakialam ang ibang tao kung saan ako nakatira," she said after the presscon of Jologs yesterday over lunch.

Tungkol naman sa kapatid niyang si Alessandra na very open na nagsasabing hindi siya kayang patawarin dahil sa mga ginawa niya, sinabi ng bold actress na ayaw na lang niyang magbigay ng counter attack sa mga taong may sinasabi sa kanya dahil pag siya raw ang nagsalita mas grabe pang gulo ang mangyayari. "Malapit na ang anniversary ng World Trade Center, baka mas grabe pa do’n ang mangyayari pag nagsalita ako," she averred.

In a way rin, she admitted na binawi niya ang car na binigay niya kay Alessandra - birthday gift niya actually sa kapatid niya. "Ikaw ba naman ang sirain sa harap ng national television, anong magiging reaction mo? ‘Yung hindi mo ini-expect. Mahirap na lang magsalita," paliwanag niya. Pero admitted siya na darating ang time na babalik sa normal ang kanilang relationship. Nasa Italy ang mom niya na nagbigay din ng statement na hindi favor sa kanya at kay Congressman Ledesma. "She’s sick. Tumatawag naman ako sa kanya. Di ba there’s a saying na blood is thicker than water, so sooner or later magiging okey din kami. Hindi naman kasi puwedeng mamili ng pamilya, kaibigan or relatives puwede kang mamili, pero ang family wala kang choice."

Tungkol naman sa plano ng husband-to-be niya na isang royal wedding sa congress na hindi pinayagan ng maraming congressman, naintindihan niya ang reason ng hindi pagpayag ng ilang congressmen. "Okey lang. Di d’yan na lang sa tabi-tabi. Kasi ang point lang naman namin, lahat naman sila invited so bakit kailangan pang sa ibang place?"

Consistent pa rin si Assunta sa schedule ng wedding nila - January 2004. Pero ngayon pa lang, excited na siya.

Wala na rin siyang problema sa two kids ni Jules . "Friends pa lang kami ni Jules, kilala ko na sila. So nang on na kami, close na kami. Ngayon parating nakadikit sa akin," she revealed.

At any rate, hindi nag-bare si Assunta sa Jologs. Walang flesh exposure ang actress compared sa kanyang mga previous project.

Aside from Assunta, also in the movie are Diether Ocampo, Dominic Ochoa, Baron Geisler, Julia Clarete, Onemig Bondoc, Patrick Garcia, Jodi Sta Maria, John Prats Vhong Navarro and Michelle Bayle under the direction of Gilbert Perez for Star Cinema. The movie is set to kick off on August 28, Wednesday.
* * *
psnbabytalk@hotmail.com

Show comments