Regal Films, 40 taon nang nagbibigay ng magagandang pelikula
August 16, 2002 | 12:00am
Hindi ikinakaila ng Regal matriarch na si Mother Lily Monteverde that shes a movie fan at heart at ito ang dahilan kung bakit siya nag-venture sa pagiging isang movie producer na 40 taon na niyang ginagawa sa tulong ng kanyang mister na si Father Remy Monteverde.
Ang Regal Entertainment ay sinimulan nilang mag-asawa nung early 60s sa pamamagitan ng pagre-release ng mga foreign films. Nagsimula silang mag-produce ng mga local films nung mid 70s at kasunod na rito ang pag-build-up ng sarili nilang stars.
Hindi na rin halos mabilang ang mga pelikulang ginawa ng Regal at ang mga artistang kanilang binild-ap. Sila ang nagbigay ng break kina Gina Alajar, Alma Moreno, Rio Locsin, Lorna Tolentino, Cherie Gil, Elizabeth Oropesa na pare-parehong ni-launched into full stardom nung dekada 70 at 80. Pagkatapos ay dumating ang Underage Girls na kinabibilangan noon nina Maricel Soriano, Snooky Serna at Dina Bonnevie na sinundan nina Ruffa Gutierrez, Aiko Melendez at Carmina Villaroel. Marami pa ang mga sumunod, tulad nina Manilyn Reynes, Alice Dixson, Sheryl Cruz, Tina Paner, ang magkapatid na Janice at Gelli de Belen, Lotlot at Matet de Leon, Aiza Seguerra, Kris Aquino, Ara Mina, Assunta de Rossi at marami pang iba. Pati mga establisadong artista tulad nina Nora Aunor, Vilma Santos, Gloria Romero, Nida Blanca, Charito Solis, Lolita Rodriguez ay nakagawa rin ng maraming pelikula sa bakuran ng Regal. Labas pa rito ang mga leading men na binild-ap ng Regal tulad nina Gabby Concepion, Albert Martinez at William Martinez, Alfie Anido, Aga Muhlach, Phillip Salvador, Orestes Ojeda, Rene Requiestas, Tito, Vic & Joey, Roderick Paulate, Niño Muhlach, Zoren Legaspi, Carlos Morales, Christopher de Leon, Tirso Cruz III, Eddie Garcia, Anjo Yllana, Jomari Yllana, Joey Marquez, Lito Lapid, Rustom Padilla, Eric Quizon, Edu Manzano, Joel Alano at iba pa.
Maging ang hari ng pelikulang Pilipino na si Fernando Poe, Jr. at ang hari ng komedya na si Dolphy na nakagawa rin ng maraming pelikula sa Regal ganundin sina Rudy Fernandez at Bong Revilla.
Sa ika-40 taon ng Regal Entertainment, ang kumpanya ang patuloy pa rin sa pagtuklas at pag-build-up ng mga stars at kasama na rito ang mga bagong sex symbols na sina Lolita "Laman" de Leon at Aubrey "Prosti" Miles. Tulad ni Assunta de Rossi na Regal din ang nagpalaki, umaasa si Mother Lily na tatanghalin ding award-winning actresses sina Lolita at Aubrey.
Ang mga bagong stars ng Regal ay kinabibilangan nina Judy Ann Santos, Joyce Jimenez, Danilo Barrios, Cogie Domingo, Alessandra de Rossi at Jay Manalo.
Kasama sa pinasikat ng Regal ang mga respetadong directors na sina National Artists Lino Brocka at Ismael Bernal. Kabilang din dito sina Maryo J. delos Reyes, Mel Chionglo, Chito Roño, Chaning Carlos, Joey Javier Reyes, Mario OHara, Joey Romero, Mike de Leon, Joel Lamangan among others.
Sabi nga ng ating kaibigan at kasamahan sa panulat na si Ronald Constantino, kakailanganin ng isang libro para masama lahat ang magagandang pelikulang nagawa ng Regal pati na ang mga artistang kanilang binild-ap at nire-package. Ngayon, patuloy pa rin sa paggawa ng mga makabuluhang pelikula at pagtuklas ng mga bagong mukha at talino.
Napanood namin sa isang preview sa Road Runner ang launching movie ng bagong sex symbol na bini-build-up ng Regal na si Lolita de Leon na dinirek ni Maryo J. delos Reyes at tinatampukan din nina Albert Martinez, Yul Servo at Elizabeth Oropesa.
Sa isang baguhang tulad ni Lolita, very promising ito at mukhang malayo ang mararating nito and we find her very telegenic. Pero ang ikinagulat namin (kasama sina Ronald Constantino, Manay Ethel Ramos, Dolor Guevarra, Mario Hernando, Mario Bautista, Nora Calderon at Ed Sicam) ay ang kakaibang acting na ipinamalas ni Yul. Lahat kami ay ginulat niya sa kanyang husay sa acting kaya naman pala hindi kataka-taka ang pagkakapanalo niya bilang best actor sa Cinema Manila International Film Festival nung nakaraang taon for his launching pic na Batang Westside.
Email:[email protected]

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended