Hindi naman ito kataka-taka dahil inamin niyang isa siyang movie fan at halos lahat ng klase ng pelikula ay pinanonood niya kahit cartoon o karate. Tagahanga siya ni Mayor Rey Malonzo pagdating sa kahusayan sa karate. Type rin niyang lumabas sa pelikula.
Nalaman namin na ang kanyang yumaong ama ay isang stage actor at sa isang stage play ay naging kontrabida ang dating pangulong Diosdado Macapagal ni Rogelio dela Rosa.
Ang kanyang anak na si Mikey Arroyo ay artista rin at ipinagpapatuloy ang pagmamahal sa sining na likas sa kanilang pamilya.
Ayaw ni Lito na makipagsabayan kay FPJ dahil may movie rin ito titled Lapu-Lapu na entry ng Calinauan CineWorks.
Pero sinabihan ang malalaking artista na kasali sa MMFFP ni FPJ na ipagpatuloy ang syuting at huwag mangamba dahil gusto nitong lahat sila ay makasali sa darating na filmfest. Sinabi rin nito na pagandahin ang kanilang mga entries.
Tinatayang pinakamalaking film festival ang magaganap sa taong ito dahil bukod kay FPJ ay kasali rin sina Dolphy, Vilma Santos, Bong Revilla, Rudy Fernandez, Lito Lapid, Maricel Soriano at Richard Gomez.
Kahit magiging mahigpitan ang labanan sa takilya at sa awards night para sa pilian ng magagaling na artista ay sama-sama naman sila sa iisang layunin at itoy ang maiangat ang kalidad ng pelikulang Tagalog.
Ayon sa seksing actress ay mananatili siyang loyal sa GMA at kuntento na siya rito. Kasama siya sa tatlong shows sa Siyete at balitang may bagong game show siya sa Channel 13 kasama si Allan K. Bibigyan din siya ng soap opera na siyang ipapalit sa Ikaw Lang Ang Mamahalin.
Ang mga guwapong miyembro ng Freshmen Band ay sina Roel Aldana, Edward dela Cruz, Walton Zerrudo, Jerome Raymundo, Daziel Ledda at Trician Andres.
Pero nagbiro ito sa kaibigang aktor at sinabing huwag mag-alala dahil parang wala siyang nakita.
Ang aktor ay isa sa pinaka-talented actors ng bansa.