Mapapanood si Railey sa Beh, Bote Nga. Abangan ang tagpong ito with Anne Curtis, since Railey and Anne blend well onscreen. Next day ay sa Ispup at Family Feud naman siya guest, both programs of ABC-5.
Aside from TV guestings, nakapag-last shooting day na rin sa wakas si Railey sa una nitong movie from Regal Films, last August 9. Makakasama ni Railey sa pelikulang Singsing ni Lola, si Maxine Magalona as his love interest, at ang mga sikat na artistang sina Aiza Seguerra, Allan K. at Gina Alajar. After showing ng Singsing ni Lola this August, may pangako pang dalawang pelikula si Mother Lily Monteverde sa kanya at malamang na maumpisahan na rin ito bago magtapos ang taong ito.
Idagdag pa rito ang mga malls shows ni Railey like sa August 18 sa Sta. Lucia-East Grand Mall at sa August 25, SM North Edsa with Click barkada. Lahat ng nabanggit na shows ay magsisimula sa oras na alas tres ng hapon.
Also good news from Raileys fans, napili siyang image model ng Accel Sportswear, kayat masayang-masaya ang newcomer sa magagandang kapalarang dumarating sa kanya ngayon.