"Hindi ko pa sana sasabihin dahil hindi ko pa tiyak kung ilang buwan na ang baby nor kung lalaki ito o babae pero, nasabi na ng mom ko. If you remember, it was also her who told of my impending wedding to Angela," natatawang kwento ni Mikey sa first shoot ng kanyang action comedy movie sa Viva Films with Andrew E., Blakdyak and Salbakuta.
"I have no more time for Angela. Tinext nga niya ako kanina saying na Im sad. Youre always leaving me now.
Pero, sabi ko sa kanya, pinag-usapan naman namin ito before the wedding. But just the same, nami-miss na niya ako.
"Bigla naman kasi kailangang maglagare ako ng three films. Aside from this one for Viva, I am shooting another one for FLT and a third one for MMG. Not that I am complaining pero, talagang napapagod na ako. I can not shoot on weekdays, only on weekends because of my job as Vice Governor of Pampanga which is my priority," dagdag pa niya.
Going back to Angela, sinabi niya na chocolate cookies ang pinaglilihian nito.
"Masarap may asawa. May naghihintay na sa akin pag-uwi ko ng bahay. May kakwentuhan na rin ako.
"Marami ring nagbago sa akin. Like mas kuripot pa ako ngayon kaysa dati. Mas masipag na rin ako ngayon and more careful with what I say because may masasaktan ng iba, like my wife," he ended.
Tatlo ang entries ng Pilipinas na inawit lahat ni Arnee, ang "Where I Wanna Be", "Til My Heartaches End at "Sing But One Song", ang nanalo ng pangalawang premyo. Lahat ng nakalaban niya ay pawang mga consistent songfest winners. Si Arnee lamang ang baguhan.
Si Arnee ay may gagawing album sa Universal Records.
Maganda rin ang future niya sa pelikula. Sa Regal Films na kung saan siya ay naka-kontrata ay may tatlong movies siyang gagawin. Pinayagan din siya dito na gumawa ng isa sa isang independent outfit.
Sa kasalukuyan ay endorser siya at image model ng Bratt Shirts.