Naghahanap ng bagong member ang TOYZ

Sa kanilang unang taon na pagsasama-sama, nagkaroon na agad ng album ang grupong Toyz. Ito ang greatest achievement nila as a groupToyz In Love.

Madalas na nagiging front act sila ni Mystica ngayon. Everytime na may mga shows ang Rock Diva sa mga probinsya, sila ang nakakasama nito at maganda na rin ang pagtanggap sa kanila, lalo na ng mga kabataan.

Palibhasa’y good lookers lahat ng members, pawang kabataan at full of energy. Pinagkakaguluhan na rin sila sa mga places, kung saan sila nagpe-perform.

Ang Toyz ay mina-manage ni Tita Vera Isberto. Ayon sa kanya, the last time na magkausap kami, naghahanap na sila ng additional members ng Toyz.

Ang requirements nila, dapat ay 18 to 24 years old. He must be 5’7" tall and up. Mas preferred nila ang guys na may alto at tenor voices. Kailangan ay single and is willing to do shows in and outside the Metropolis.

Or, kung may makukuhang bookings abroad. Ang kailangan nila’y yung may willingness to travel with the group.

All interested parties may call telephone #533-1097 or 533-1767 for appointment. If possible, bring na your bio data, latest photos and if you have some demo tapes, dalhin na rin ninyo, after na ma-set ang appointment.– BDC

Show comments