Mystica, nagpa-church wedding

Natupad na ni Mystica ang pangarap na makapagsuot ng wedding gown. In her two previous marriage, hindi siya naka-white gown, civil wedding lang ang mga yun.

Tinawagan ng staff ng Extra! Extra! ang manager ni Mystica, si Tita Vera Isberto at sinabihan itong gusto nilang i-feature si Tikay sa isang segment ng programa, ito yung ‘Trip ni Idol’. Ano raw kaya ang gustong gawin ni Tikay na hindi pa niya nagagawa?

Sinabi ni Tita Vera na madalas daw banggitin sa kanya ng alaga, gusto niyang magsuot ng wedding gown dahil never pa raw itong nangyari sa kanya. Naisip ng staff na maganda yung ideya at nangakong ipe-present niya ang konsepto sa program director.

After a week, na-approve ito at inayos na ang schedule. Last August 8, nagpunta sila ng Robinson’s Galleria, sa Trends, isang wedding boutique. Dito namili ng gown si Tikay, pati yung isusuot ng groom (Kevin Monteverde, real-life boyfriend ni Mystica), complete with all the trimmings.

Kahit na sabihin pang make-belief lang ang kasalan, feel na feel niya ang suot na gown. Dahil sa mabilis na kumalat ang balitang nandoon si Tikay, dumagsa ang tao para mag-usyoso.

Mapapanood ang full coverage ng "kasalang" Mystica at Kevin, sa Extra! Extra! on Tuesday, August 13.

Samantala iniikot ngayon ni Tikay ang bayan-bayan sa Quezon for a series of shows.– Ben Dela Cruz

Show comments