Alice, di hiwalay sa asawa

Balik muli si Alice Dixson sa eksena sa showbiz sa pamamagitan ng kanyang soap opera sa GMA 7, ang Ang Iibigin Ay Ikaw.

Sa pagbabalik na ito ng aktres mula sa Canada ay di maiwasang intrigahin siya na hiwalay na siya sa kanyang husband na si Ronnie Miranda. "Ronnie just arrived two days before my birthday," maigsi nitong sagot sa intriga. Dumating ang asawa nito para dalawin ang asawang aktres kaya naisantabi muna ang plano ni Alice na dalawin ang asawa na permanenteng naninirahan sa Canada. "I still have plan to go back in Canada. Gusto ko ngang bumalik na ang asawa ko rito. Anyway, kung babalik man ako sa Canada, I’ll make sure that I’ll be pursuing a showbiz career in that country," aniya. (Ulat ni Alex Datu)

Show comments