Christine, nanggulo sa ETC?

Depressed na depressed daw ngayon si Angela Calina and JC Gonzales, co-host ni Boy Abunda sa ETC. Ang reason: tinanggal na sila sa ETC. Ayon sa isang source ng Baby Talk, si Christine Bersola ang dapat i-blame sa nangyari dahil in a way, siya ang nag-request na dapat solo lang siyang co-host ni Boy sa show.

Nang pumasok daw kasi si Christine sa ETC, ginawang field reporter ang dalawa na kinuha pa from ABS-CBN Cebu dahil gusto raw nga nila ng new faces. Okey naman daw kina Angela and JC na maging field reporter. Kaya lang, na-shock na lang daw ang dalawa last Thursday nang sabihin sa kanila na kaya na nina Boy at Christine ang pagho-host ng ETC.

Aside from this, marami ring negative reaction sa pagpasok ni Christine sa show dahil mas lalo pa nga raw bumaba ang rating nito na ang sinisisi raw ng management ay ang executive producer na nauna na nilang tinanggal.

Well, wala na talaga sigurong show na puwedeng paglagyan kay Christine kaya kahit alam niyang may taong maha-hurt, wala na siyang pakialam. Besides, akala ko ba new faces ang gusto nila?
*****
Equally controversial ang leading man ni Maui Taylor sa Gamitan - Jordan Herrera and Wendell Ramos.

Si Wendell, nali-link ngayon kay Ara Mina na kasama niya sa Bubble Gang. "Actually, natatawa na lang ako. Minsan nga nagtatawanan na lang kami ni Ara sa set dahil hindi naman talaga totoo," he said sa presscon ng Gamitan.

Pero siguradong mas lalaki ang issue sa kanila once na mag-start sila ng shooting ng Two Timer with Albert Martinez.

Kaya nga ang issue ngayon, siya ang kapalit ni Jomari Yllana sa trono dahil mas in demand na siya tapos nali-link pa siya kay Ara. "Hindi naman pumalit kay Jomari. Nagkataon lang na pareho ang kaya naming gawin. Hindi naman kasi siya puwedeng palitan dahil Jomari na siya at matagal na siya," he said. Hindi na kasi masyadong active si Jomari sa pagpapa-sexy sa movies na opposite sa career ni Wendell ngayon.

Anyway, nali-link din siya ngayon sa designer na si Paul Cabral. Hindi siya nagdi-deny na magkaibigan sila ni Paul at may time na nagpupunta ang designer sa taping nila. "Minsan nagtatawagan kami kung nag-dinner na siya. So pag hindi pa, dadaan siya sa set and kasama na namin siyang magdi-dinner. Inaamin ko naman na close kami. Wala naman sigurong masama," he said. Si Wendell ang sinasabing bagong apple of the eye ni Paul after Kevin Bernal.

Since magkasama sila ni Kevin sa Bubble Gang, nilapitan siya one time ni Kevin at kinausap tungkol kay Paul na sinabi niya sa isang interview na kung sila (Wendell) at Paul, masuwerte raw siya (Wendell) kay Paul. "Hindi agad ako nag-react. After ng taping, nilapitan ko siya, parang iba na ang sinasabi niya. Gusto ko talagang magsalita at isa lang ang sasabihin ko, kaya kung mabuhay ng galing sa pawis ko. Kaya nga ako nagtatrabaho ng ganito," he said.

Common knowledge na may anak si Wendell at nasa court na ang annulment case nila ng ex-wife niya.

Going back to Gamitan, first starring role ni Maui ang said movie. Pero ayaw i-compare ni Wendell ang ‘hot babe ng bayan’ sa kanyang mga previous leading ladies. "Pare-pareho lang silang okey," he said.

The movie is directed by 22-year old Quark Henares. Tungkol ito sa isang Junior college girl named Jenny (Maui) and her coming-of-age in a world of deceit. Aside from Jordan and Wendell, kasama rin sa movie si Patricia Javier who plays an important role as Diane, Jenny’s older sister who is the latter’s complete opposite: wild, sexy and aware of her power as a woman.

Nagagalit si Jenny sa ganitong ugali ng kanyang kapatid. She looks down on her but at the same time secretly longs to be in her shoes as she observes Diane at ang man na kanyang sini-seduce.

At any rate, the movie is set to kick off on August 21.
*****
Darating sa bansa ang worship leader and song writer from Hawaii na si Bob Fitts para sa isang worship seminar on August 16, 1:00 p.m. to 5:00 p.m. sa Lighthouse Christian Community, Buencamino Street, Alabang City.

The following day, August 17, 7:00 p.m., isang concert naman ang gaganapin sa PSC - Philsports Complex, "I Will Bow To You."

Magiging topic sa seminar ang prophetic worship, songwriting, worship and restoration of a nation and identifying and eliminating hindrances to worship.

For registration, please call 807-6406, look for Mitch or sa House of Praise at 9205291 local 201 and 202, look for Lyn.

Over two decades na, Bob Fitts has been bringing hope, healing and encouragement sa iba’t ibang bansa bilang isang worship leader, composer, recording artist and Bible teacher.

Kasama sa kanyang best selling and well-loved album ang mga sumusunod: "Take My Healing to the Nations" (1985), "The Lord Reigns" (1988), "Highest Place" (1991), "Sacrifice" (1991), "Bethlehem’s Treasure" (1992), "Proclaim His Power" (1993), "He Will Save You" (1998), "Comfort My People "(1998) at ang latest na "I Will Bow To You" (2002).

Si Bob ang founder ng School of Worship with the University of the Nations of Youth with a Mission (YWAM) sa Hawaii. He received his Bachelor of Arts in Christian Ministry from Melodyland School of Theology, Anaheim California. Naka-graduate rin siya kasama ang wife na si Kathy sa YWAM ng Discipleship Training.

Magkasamang nagta-travel ang mag-asawa sa buong mundo para i-guide ang mga tao into worship at bigyan ng pag-asa ang taong ang pakiramdam ay pasan nila ang daigdig.
*****
Email :psnbabytalk@hotmail.com

Show comments