2nd generation artists, bida sa 'Alikabok'

Mga anak ng producers ang mga pangunahing artist na tampok sa Alikabok na nagsimula nang mapanood kahapon sa Music Museum. Sila ay sina Cris Villonco, ang mabilis na sumisikat na singer/actress na anak ni Monique Villonco na anak naman ni Armida Siguion Reyna at kapatid ng magaling na direktor na si Carlitos Siguion Reyna at si Waya Gallardo, anak ni Celeste Legaspi at ng bantog na kompositor na si Nonoy Gallardo. Sina Celeste at Monique, kasama si Girlie Rodis ang mga producer ng Alikabok na mapapanood sa buong buwan ng Agosto – 7, 8, 9, 10,14,15, 16, 17, 21, 22, 23 at 24.

Kasama nina Cris at Waya na gumaganap sa nasabing stage musical sina Jeffrey Hidalgo, Noel Rayos at Nonoy Zuñiga. Musika ni Ryan Cayabyab, Libretto at Libro ni Naomi Matsumoto at stage direction ni Tony Espejo.

Ang Alikabok ay istorya ni Bising Vallejo, ang kanyang paglalakbay at ang mga taong minahal niya.

Hindi ito ang unang pagpapalabas ng Alikabok. Sa unang pagpapalabas nito, maraming taon na ang nakakaraan ay itinampok si Rachel Alejandro. Dito rin unang nagpakitang gilas bilang isang manganganta at stage performer ang kapatid ni Regine Velasquez na si Cacai at ang napangasawa nito na isang musical director na si Raul Mitra.

Show comments