Si Pops naman ay sa taping ng Recuerdo de Amor nagpunta at nakaeksena niya sina Carmina Villarroel, Angelene Aguilar, Ricky Rivero, John at Diether Ocampo. Nakausap din ni Pops si Diet at biniro ito sa paghahanap ng girlfriend samantalang lagi raw naman silang nakikitang magkasama ni Andrea Bautista. Sagot pa rin si Diet, noon pa sila magkakilala ni Andeng at best of friends daw lamang sila. Pero aminado siya na wife material si Andeng.
Sa set naman ng Pangako Sa Yo bumisita si Zsazsa at nakaeksena niya sina Jericho Rosales at Jestoni Alarcon. Grabe talaga si Jericho, ang dali niyang napatulo ang kanyang luha, pumasok sina Zsazsa at John. Sabi ni John, siya raw si Yna na hindi nakilala ni Angelo (Jericho) dahil namaga siya at nagdadalantao. May ibig bang ipakahulugan dito si John Lapus?
Tonight, sila ang tampok na banda sa Virgin Café, sa Tomas Morato - "Freestyle Live" Live!". Ang Freestyle ang umawit ng mga hits na "Before I Let You Go", "So Slow", "Till I Found You", "This Time" and a lot more.
For ticket inquiries, please call 926-8039 and 373-8766.
Pero may kapalit itong bagong soap na malamang si Angelika pa rin ang lead star. Ito raw ang ipinangako sa dalaga, na may mas magandang plano sila sa kanya bago matapos ang taon. Sa cast ng ILAM, si Albert Martinez lamang yata, bukod kay Angelika, ang makakasama sa susunod na soap.
Pero six months lamang naman ang pinirmahang kontrata ng Power Boys sa ABS-CBN at ilo-launch sila tomorrow sa Magandang Tanghali, Bayan. At kung hindi man matuloy ang The Hunks na gawin ang pelikula, itoy dahil sa nahihirapan ang Talent Center na pagtagpu-tagpuin ang schedules nila. Pare-pareho kasi silang busy at pare-parehong may taping ng kani-kanilang teleserye.
Ang Power Boys ay sina Jordan Herrera, 19 years old; Frank Garcia, 18 years old; Geff Rodriguez, 19 years old from Australia; Jay Salas, 21 years old at Greg Martin, 21 years old from Brooklyn, New York.