^

PSN Showbiz

Willie returns to ABS-CBN

- Veronica R. Samio -
Mabibigo ang maraming nag-akalang di na muli pang makakatuntong ng ABS-CBN si Willie Revillame sapagkat simula sa Sabado, Agosto 10, 5:30-6:00 nh, mapapanood siya sa isang naiibang public service show na pinamagatang Willingly Yours. Katulad din ito ng Wish Ko Lang ng GMA7 na kung saan ay bibigyan katuparan nila ang kahilingan ng maraming manonood sa telebisyon. Maiiba lamang ang palabas ni Willie sapagkat lalagyan ito ng humor para bumagay sa kanyang personalidad.

"Gusto nga ng mga producers ko na magbigay agad kami ng bahay at lupa sa isa sa mga taong nagkakariton pero sinabi ko na lamang na masyado pang, maaga. Bakit hindi namin ito gawin sa Pasko," anang komedyante.

Dadalhin si Willie ng Willingly Yours around the counrtry sa paghahanap ng tao na may kahilingan na kanilang mapagbibigyan. Kahit tungkol sa pag-ibig, nawawalang magulang, isang karamdaman, makita ang kanilang paboritong artista, kahit anong kahilingan ay pipilitin ni Willie na bigyan katuparan sa tulong ng mga ayaw magpakilalang pilantropo.

Kahit kalahating oras lamang ang palabas, nilagyan ito ng mga segments para maging mas makulay pa. Gaya ng "Forgive and Forget". Dito ay tatangkain ni Willie na tulungan ang kanyang mga guests na mapatawad ng mga pinagkasalahan nila. Gaya ng isang magnanakaw sa kanyang naging biktima, o ng isang anak na galit sa kanyang mga magulang.

Sa "Most Valuable Pinoy" bibigyan parangal ni Willie ang mga honest employees, kind-hearted folks at mabubuting public servants. Bibigyan sila ng pagkakataon na mapasalamatan ng mga taong tinulungan nila sa harap ng maraming manonood.

Ang "Ginintuang Puso" ay pagpapasalamat sa mga taong may ginawang kabutihan pero ayaw ipaalam ang kanilang ginawa. Sa pamamagitan ng show, pasasalamatan sila ni Willie.

Muling katrabaho ni Willie sa show ang mga nakasama niyang umalis sa ABS CBN. Gaya ni Danny Caparas na siyang direktor ng show. Si Willie Cuevas ang scriptwriter. Si Willie Cuevas rin ang scriptwriter ng MTB na nakasabay ni Willie na mawala sa show.
*****
Maganda at simple lamang ang pagtitipon na inihandog ng mga taga-pelikula sa mga lingkod bayan na mga Senador at Kongresista na tumulong para maipasa ang Republic Act 9167 na nagsimula 22 taon na ang nakararaan. Ito ang bill na nagbababa ng amusement tax na matagal nang nagpapahirap sa mga taga-pelikula. Finally ay pinirmahan na ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang RA 9167 nung Hunyo 7 na naging dahilan para muling magtipon nung Agosto 3 sa Wack Wack Country Golf & Clubhouse para personal na pasalamatan ang mga taong may kinalaman sa pagkakapasa ng nasabing bill.

Nagsimula ang programa sa isang invocation na pinangunahan ni Serena Dalrymple. Si Carol Banawa ang umawit ng "Lupang Hinirang". Nagsilbing hosts sina Boy Abunda at Marichu Vera Perez Maceda. Nagbigay ng skit sina Leo Martinez, Shaina Magdayao at Edu Manzano. Sina Pops Fernandez at ang The Company ang makalawang ulit na umawit ng "Maraming Salamat Po", lyrics ni Edith Gallardo at musika ni Moy Ortiz na nagbibigay parangal sa mga tumulong sa pagpapasa ng RA9167 bill.

Dumalo sa nasabing pagtitipon sina Senador Tito Sotto, Ralph Recto, Juan Flavier, Manny Villar, at mga Congressmen, Imee Marcos, Speaker and Mrs. Jose de Venecia, MTRCB Chairman Marilen Dinglasan, Susan Roces, ang mga opisyal at miyembro ng PAMI sa pamumuno ni June Torrejon, ang mga producers na sina Lily Monteverde, Vic del Rosario, Violett Sevilla, Robbie Tan at marami pang iba.

AGOSTO

BOY ABUNDA

CHAIRMAN MARILEN DINGLASAN

DANNY CAPARAS

EDITH GALLARDO

GAYA

WILLIE

WILLINGLY YOURS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with