Gusto namin ang rapport nina Julius Babao, Cheryl Cosim at Erwin Tulfo. Mixed din ang kani-kanilang views sa mga isyung kanilang dini-discuss. Like si Cheryl, kitang-kita namin ang pagkaimbyerna niya kay Dennis da Silva at sa live-in partner nito na mas kinampihan pa ng babae si Dennis kaysa sa anak nito na ni-rape at nabuntis diumano ni Dennis.
Equally fast-paced din ang Fast Break Balita nina Aljo Bendijo at Katherine de Castro. Sina Bobby Yan at Pia Guanio naman ay okey din sa kanilang mga feature stories.
Kahit nga yung mga payong legal nina Congressman Miguel Zubiri at Atty. Andres ay gusto namin. And what made the episode more exciting? Ito yung blind item segment ng kaibigan naming si Ogie Diaz. Funny yung pagkaka-discuss ni Ogie ng kanyang balita. Medyo give-away nga lang yung identity ng kanyang blind item.
Sana ay regular na naming mapanood si Ogie sa MUB dahil nakakatuwa yung portion niya. Happy kami dahil regular na naman naming mapapanood si Ogie sa telebisyon. Mapapanood pa rin siyempre si Jeff Fernando sa kanyang mga showbiz balita.
Gusto naming batiin ang bumubuo ng MUB dahil may dahilan na naman para kami gumising ng maaga araw-araw.
"It was a tough decision," sabi ni Divina. "Pero kailangan, eh. The situation is getting out of hand and before everything gets worse, ginawa ko na yun."
Naikuwento ni Divina na may kamahalan ang pagpapa-rehab ng anak pero aniya, wala nang ibang recourse kundi ito. Umaabot sa mga P600,000 ang gagastusin para sa 15 months na rehabilitation ni Dranreb. After ng period na yun, gusto niyang dumiretso na sa America ang anak at mamumuhay ito ng masaya.
Kasabay ng kanyang ginawa, nakikiusap din si Divina sa mga magulang na may similar na problemang tulad sa kanya. Huwag daw i-tolerate ng mga magulang ang paggamit ng kanilang anak ng bawal na gamot.
Sa ngayon, madalas na maging resource person si Divina sa mga talks on the effect of illegal drugs dahil nga sa naging karanasan niya sa kanyang anak. Gusto niyang maging instrumento para makapag-save pa ng buhay ng mga drug user.
Isa nga sa mga big projects ni Heart ay ang pagpasok sa Arriba, Arriba bilang anak ni AiAi delas Alas na magsisimula ngayong Sabado. Kinailangang mag-resign ni Heart sa OK, Fine Whatever para makapag-concentrate sa isang sitcom. Bukod kasi sa Arriba, Arriba, regular din siya sa MTB at MYX bilang video jock. Sa MYX at MTB ay hinahasa nang husto ang hosting skills ni Heart.
Sa pelikula, kasama siya bilang isa sa mga anak ni AiAi delas Alas sa launching movie nitong Tanging Ina under Star Cinema. Dito ay makakasama niya si John Prats.
For updates, recent photos and other info on Heart, puwede nyong pasukin ang kanyang website, http//heart. pinoycentral. com.