Humakot ang Ang Galing-Galing Mo Babes ng mahigit 7 M sa unang araw ng pagtatanghal nito noong nakaraang linggo. Pati ang Rockwell sa Makati ay nag-request na makapagpalabas sila ng isang local movie. Panay-panay din ang dagdag ng mga sinehan, pagkat laging standing room only ang mga sinehang pinagtatanghalan nito.
Lubos ang pasasalamat ni Joyce sa pagbabalik sa kanya ng bagong movie outfit sa lugar na para talaga sa kanya. No match pala kay Joyce ang mga naga-ambisyong maagaw sa kanya ang korona hindi lamang ng pagiging bold queen kundi ng pagiging original "Pantasya Ng Bayan".
Wala ika ngang makakatalo kay Joyce. Nag-iisa si Joyce sa kategoryang iyan.
Hawak din ngayon ni Direk Ed Palmos ang record ng paglikha kay Joyce bilang isang aktres. Tapos na ang mga panahong iniismol-ismol ni Joyce ang kanyang sarili. Hindi na lang siya ngayon isang bold star. Isa na siyang bold actress.
Nagbunga ang pagsisikap at determinasyon ng Revilla sibling na ibigay sa movie going public ang mga pelikulang may katuturan para hindi mainsulto ang kanilang sensibilidad. Lalo rin silang mai-inspire ngayon na pag-ibayuhin ang hangad na makatulong sa movie industry sa pamamagitan ng pagpo-produce ng pelikula. Sa panahong ito na kailangang-kailangan ng industriya ang mga bagong dugo na tulad nila.