Kahit may pino-promote siyang pelikula, naka-concentrate ang interview sa ginawa niyang pelikula. Everytime na may presscon siya, walang naga-attempt na magtanong kung anong status ng lovelife niya na madalas pag-usapan ngayon sa mga presscon ng ibang pelikula na siyang nagiging selling point. Minsan nga, yung pagli-link sa mga bida ang reason kung bakit kumikita pa ang isang pelikula. Pero sa case ng beteranong actor, walang ganitong issue. Like ngayong ipalalabas ang latest movie niyang DUragons with Andrew E., Patricia Javier and Angelu de Leon under the direction of Ben Feleo for Viva Films, walang personal na dapat pag-usapan. Parang totoo lang siya lagi. Pero enjoy naman siyang ikuwento ang tungkol sa kanyang mga apo.
Bukod sa intriga, wala ring insecurities si Manoy. Hindi big deal sa kanya kung ang kasama niya sa pelikula ay hindi sikat at kilala. Ang importante sa kanya, may trabaho na ini-enjoy niya everytime na nasa shooting siya. Kaya nga ang tawag sa kanya, silent superstar dahil nag-iisa lang siya sa trono na puwedeng bida-kontrabida, supporting and director.
Wala rin siyang planong mag-retire hanggang ngayon. "Hanggat gusto ako ng manonood at kaya ko pang mag-trabaho, nandito pa rin ako," he said.
Anyway, relate na relate si Manoy sa DUragons dahil Bicolano ang actor. May mga dialogue na Bicol si Eddie rito kaya enjoy siya sa shooting nila ni Andrew na alam naman ng lahat kung anong kalokohan ang puwedeng gawin.
"Riot kami rito," Eddie said tungkol sa pelikula.
Hinihintay din ng marami na mag-direk uli siya ng pelikula. Last directorial job niya ang ABKD...Ina starring Lorna Tolentino na nag-earn ng maraming award last year. "Naghihintay pa ako ng magandang material. Sabi ni Boss Vic (del Rosario), meron pero hindi ko pa nakikita ang script," he said.
In any case, everytime na gagawa siya ng movie may dialogue na later on ay nagiging favorite expression ng mga tao. Sa DUragons daw, meron siyang dialogue na catchy at mapapansin ng moviegoers.
Since Bicolano nga ang actor, siya rin ang nag-suggest ng title. "Parang hindi kasi maganda yung unang title, so nag-suggest ako and okey naman sa kanila," he revealed.
In any case, wala ring masyadong intriga sa career ni Andrew E. except sa issue na under siya ng misis niyang si Mylene dahil after they got married, parati niya itong kasunod kahit saan siya magpunta. Pero hindi affected ang comedian dahil feeling niya, hindi siya complete without Mylene sa tabi niya at ang baby nila na ngayon ay three-month old. Kaya kahit sa mga out of the country na show niya, kasama rin ang asawat anak niya.
At any rate, kasama rin sa movie si Joko Diaz na common knowledge na ex ni Angelu at father ng eldest daughter niya. Pero hindi masyadong pinag-usapan ang nasabing angle.
Anyway, sa Cavite umuuwi si Heart everyday. Two hours ang travel time. Kaya pag may taping or shooting siya, at least three hours ang allowance niya dahil isa sa policy niya na maging punctual - ayaw niyang mali-late sa appointment. "On time ako parati. Hate ko talagang ma-late, ayoko," she said. Ginagawa na lang niya since medyo malayo ang Cavite, natutulog na lang siya sa car.
Dating vacation house nila ang bahay nila sa Carmona. Kaya nang ibenta ang bahay nila sa Makati, nag-decide ang family nilang don na lang sila. Five hectares ang property nila don kung saan meron na ring Barrio Fiesta (not yet open dahil sa permit) at main office ng Barrio Fiesta. Meron din silang branch ng Barrio Fiesta sa San Francisco.
Kung tutuusin nga, hindi na kailangang mag-work ni Heart, pero happy siya sa showbiz.
Nagi-school pa rin siya sa Distance Learning Center ng ABS-CBN sa kabila ng kanyang hectic schedule. Third year na siya at plan niyang mag-earn ng Bachelor of Hotel and Restaurant Management for obvious reason.