Polo, panay ang buntot kay Alessandra
August 6, 2002 | 12:00am
Isang importanteng okasyon ang 18th birthday ng isang babae. Bagaman at hindi naman lahat ay pinipiling magkaroon ng engrandeng handaan to celebrate her debut, marami ang umaasang maging marangal ang pagdiriwang ng kanilang pagiging debutante. Pero hindi ito nangyari kay Alessandra de Rossi.
Naging malaking problema nina Alessandra at ng kanyang Mommy Nette ang biglaang desisyon ng kapatid na si Assunta na magsarili at manirahan on her own. Kahit tutol ang ina at kapatid, hindi nakinig si Assunta, siya pa rin ang nasunod.
Marami ang naniniwalang nagpakasal na secretly, maybe in a civil rites wedding sina Assunta at Congressman Jules Ledesma. Pero as of presstime, wala pa rin kaming nakukuhang kumpirmasyon mula sa kanila, kung totoo man ang mga bali-balita.
Alessandra celebrated her 18th birthday last July 19. Instead of having a grandiose party, pinili na lang niyang magtrabaho that day. And according to her, yun na raw ang pinakamalungkot niyang birthday, for obvious reasons, hindi na nila kasama ngayon si ate niya.
Very vocal si Alex sa kanyang disgusto kay Congressman Jules. Hindi niya nagustuhan yung mga nangyari sa kanilang pamilya. Bakit nga naman parang kay bilis ng mga pangyayari, maaga silang iniwan ni Assunta, all because of this man.
Alex is also in love, di man niya diretsahang aminin. Going strong pa rin ang kanilang relasyon ni Polo Ravales, who has been very supportive to her. Noong mag-shoot sina Alex sa malayong probinsya, para sa Mga Munting Tinig, sinundan siya roon ni Polo.
Kahit nag-impose na si Direk Gil Portes na bawal ang boyfriend sa set, para maging smooth sailing ang kanilang trabaho, hindi yun sinunod nina Alex at Polo at in fairness, hindi naman naging sagabal ang binata sa kanilang shooting.
Natapos ni Alex ang pelikula na walang nangyaring aberya o problema. Nakakahiya rin kasi sa mga kasama niyang sina Gina Alajar at Amy Austria, na kapwa propesyonal sa kanilang trabaho kung makakasagabal si Polo sa kanilang trabaho.
Hindi pa man ito naipalalabas commercially sa mga sinehan, naimbitahan na ang pelikulang ito sa Toronto Film Festival. May mga nakapanood na ng advance screening ng movie at marami ang nagsasabing, muli na namang ipinakita ni Alex ang galing niya sa pagganap.
Hindi raw malayong ma-nominate na naman siya for her good acting in this Gil Portes movie. Matatandaang dalawang tropeo na ang nakukuha niya for best supporting role. Malamang, best actress na ang susunod.(Ulat Ni Ben Dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended
January 21, 2025 - 12:00am