Patapos na ang bagong album ni Anna
August 5, 2002 | 12:00am
Desidido si Anna Dizon na tapusin ang mga awiting nakapaloob sa kanyang bagong album ngayong nasa bansa na siya matapos pagbigyan ang imbitasyon sa kanya ng Rotary Club na kanyang kinaaniban na magpunta ng Japan para sa isang Eco-Tourism Convention.
Kasapi si Anna ng Makati Golden Lions Club, mula pa noong 1995. Mga 30 silang nagtungo ng Japan at hindi lang Tokyo ang kanilang dinalaw kundi siyudad ng Osaka, Okayama at Gumaken.
"Maganda kasi ang aim ng Lions Club namin this year in promoting its current them, "One World, One Heart", at iyon ay para imbitahin ang mga Japanese para dalawin ang Pilipinas para makatulong silang sugpuin ang kahirapan ng mamamayan, gaya ng pagtulong sa mga batang lansangan," sabi niya. Tatlong linggo siyang nanatili roon.
Ang dami na ngang nananabik na marinig ang mga kantang nasa ikalawang album niya. "Sino ba ang ayaw matapos yon" sabi naman niya. "Bale apat na kanta na lang ang natitira, "Hanggang Saan" (composed by Edith Gallardo), "Im In Love Again", "Love Me As I Am" and "Bayan Ko, Mahal Ko", (penned by Nonoy Tan).
"Simula this year nakatutok na ako sa album na ito, bale one year in the making na ito, kasi, siyempre, inasikaso ko pa rin ang business ko. I have to go to Hong Kong, Thailand, Malaysia and Singapore. Kung bibilisang tapusin, puwede, bakit hindi? Kaya lang, ang dami pang kailangang busisiin. Syempre, mas gusto ko yong pag natapos, super-quality talaga at super-class yung album."
Bukod sa iba pang pinagkakaabalahan habang ginagawa ang bago niyang album, pumasok din kasi ang pagpapagawa niya ng kanyang magarang mansyon sa may Socorro, Mabuhay I, Oriental Mindoro. She christined it "Villa Anna Paradise Resort".
"Its actually a dream house, somewhat lifted from the pages of the Architectural Digest, Regal Films expressed its desire to use it as setting in one of their forthcoming movies."
Pagkatapos ng bahay, ang album na lang ang natitira niyang proyekto, sabi niya.
What about lovelife? Tanong ko kay Anna. Sa halip na sagutin ay malakas na halakhak ang tugon niya.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended