^

PSN Showbiz

Dranreb pinasok na sa rehab

-
Maiyak-iyak si Divina Valencia habang ikinuwento nito kung paano ipinasok ang kanyang anak na si Dranreb Belleza sa Rehabilitation Center. Malala na ang kondisyon ng kanyang anak na kailangan na itong maipagamot kaya mula sa San Diego, California ay agad-agad nitong hinanap ang kanyang anak sa tulong ng mga kaibigan ni Dranreb. ‘‘Napakalaki ang naitulong ni Lotlot de Leon, ni Monching at ni Nadia Montenegro. Malaki ang utang na loob ko sa kanila. Totoo silang mga kaibigan ng anak ko.’’

Isa si Christopher de Leon sa nagbigay sa dating aktres ng moral support sa nangyari sa kanyang anak. Kung siya na isang biktima rin noon ng bawal na gamot ay nakabalik sa normal nitong kondisyon ay malaki ang pag-asang manunumbalik muli ang katinuan ng may karamdamang anak ni Divina at ng namayapang Bernard Belleza, isang action star noon.

‘‘Kailangan i-address mo ang kalagayan ng anak mo sa tao at huwag itong ikahiya. This is a desease na kailangang gamutin at di dapat pabayaan. Maraming ayaw tulungan ang may ganitong kalagayan dahil nahihiya silang ipaalam sa publiko na may anak o kamag-anak silang lulong sa droga. Mali, dapat ipaalam ito sa publiko para mawala iyong hiya sa katawan ng sinumang miyembro ng kanilang pamilya na drug addict. Ito lamang ang paraan para maipamulat ng ang pagiging lulong sa bawal na gamot ay isang karamdaman na any moment ay magiging biktima ka. Tulad din ito ng lagnat o sakit na kanser na dapat hanapan ng lunas,’’ madamdaming pahayag ng dating sexy aktres na halatang hindi lang siya apektado sa kalagayan ng kanyang anak kundi sa lahat ng may karamdaman dulot ng droga.

Isang taon at tatlong buwan ang itatagal ni Dranreb sa isang rehabilitation center na ayaw ipabanggit ng ina kung saang lugar ito matatagpuan. Pagkatapos ng anim na buwan ay puwede na nitong mabisita ang kanyang anak at kung handa na itong makipag-usap ay pipilitin ng dating aktres na pag-usapan ang naging sanhi ng pagkaka-adik ng kanyang anak. ‘‘Kung ako ang nagkasala sa nangyari sa aking anak ay tatanggapin ko at hihingi ako ng tawad sa mga pagkukulang ko sa kanya. Gusto ko siyang gumaling.’’

Habang nasa loob ang dating child star ay walang mga kaibigan ang makakadalaw sa kanya. Ni anino ng bote ng alak ay di na nito makikita at ni usok ng sigarilyo ay wala na siyang maaamoy dahil paglilinis ng kaisipan at katawan ang gagawin nila sa loob ng rehabilitation. ‘‘Kung kailangan mai-extend pa ang buwang ilalagi ng aking anak sa center, it would be fine. Kailangang gumaling ang anak ko!."(Ulat ni Alex Datu)

ALEX DATU

ANAK

BELLEZA

DIVINA VALENCIA

DRANREB

DRANREB BELLEZA

KANYANG

NADIA MONTENEGRO

REHABILITATION CENTER

SAN DIEGO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with