Sa Singapore nanalo ang mga Pinoy ng 62 Awards out of 80. Nag-present sila ng 62 dances at nanalo sila sa lahat ng kategorya na sinalihan nila. Bukod sa tatlong top prizes, nanalo rin sila ng 5 special Perpetual Trophies. Nanalo rin ang Halili-Cruz School of Ballet ng Aggregate Trophy at ang 72 ballet dancers nito.
Lahat ng senior soloist ay nanalo ng first place: Sina Caron Balahadia, Margaret Ferriorls, Anna Kathrina Cruz, Maan de Guzman, Cheka Cabrera, Rachelle Go, Christine Lansang at Patricia Hermosa.
Sa Australia, dinala ni Shirley Halili-Cruz ang 8 sa kanyang mga estudyante sa 2002 Festival of Dance at isinabak sa mga solo categories. Nanalo sila ng 16 awards. Mahigpit ang labanan na sinalihan ng 4000 contestants. Marami rito ay professional na pero, hindi pa rin nagpahuli ang mga dancers na Pinoy. Nanalo si Caron ng 1st prize. Tatlong panalo naman ang nakuha ng 11 years old na si Honey Severo. Dalawa kay Maan de Guzman (15). Tig-isa sina, Lourdes Estrada (12 years old), Denise Sales (11), Cheka (13) at Madge Reyes, (11).
Ang Ambassador natin sa Australia, His Excellency Ernesto Llamas at Consul General Mindy Cruz at ang kanilang staff ay sumuporta ng lubos sa mga Philippine delegates. Sinalubong nila ito sa airport at sinamahan hanggang sa awarding ceremonies.
Nakapag-perform na ang SHCSB sa New York, Malaysia, Australia, Singapore, Hongkong, Los Angeles, Japan, China at Bangkok. Nakatakda silang pumunta ng Europe sa taong ito.