Mystica, baliwala sa Viva?
August 2, 2002 | 12:00am
Mga babaing grabe kung magmahal ang naging tema ng isang episode ng Morning Girls. Guests sina Mystica, Mahal at Madam Auring. Wala kaming gaanong alam kung paano umibig sina Mahal (kahit pinangangalandakan nila ni Jimboy Salazar na magkasintahan sila, hindi ako naniniwala!) at Madam Auring, na in the past ay na-involve sa ilang machong artista. Kahit isa ay wala naman siyang nakatuluyan.
Open book ang lovelife ni Mystica. Ilang ulit na siyang pinag-usapan dahil sa kanyang past loves. May maganda at mayroon din namang hindi naging epektib na relasyon. Humantong pa nga sa word war yung isang naka-on niya, di ba?
"Ako kasi Tito, grabe kapag nagmahal. Ibinibigay ko talaga lahat ng makakaya ko, to prove kung gaano ko siya kamahal. Ganyan ako ma-in love, showy ako at hindi ko siya ikinahihiya, maging sino man siya.
"Pero grabe rin ako kapag nagalit. Katulad minsan, nang ako pa ang pinalalabas na masama, na kesyo ilegal daw ang mga gawain ko, huwag na lang tayong magbanggit ng pangalan.
"Kapag ganoon naman ang magiging sitwasyon, abay ipaglalaban ko ang aking karapatan. Hindi ako papayag na sirain lang ng kung sino ang aking pangalan, talagang lalaban ako ng sabayan, kahit saan kami makarating. Abay wala akong itinatago, kaya hindi ako natatakot," lahad ni Tikay.
Kasama si Tikay sa pelikulang DUragons (Never Umuurong, Always Sumusulong) ng Viva Films. Kasama niya sina Eddie Garcia, Andrew E, Patricia Javier, Angelu de Leon at Joko Diaz.
Isang adorableng pinuno ng isang sindikato ang role na na-assigned kay Tikay. Enjoy daw siya dahil ang mga kaeksena niya ay mga macho guys tulad nina Jon Romano at Diego Salvador (ito yung look-alike ni Robin padilla at hindi yung baklang si Diego na mainstay ng isang sitcom sa Siyete).
Masipag mag-promote ng pelikula itong si Tikay. Sa kanyang mga shows, lalo na sa mga probinsiya, hindi niya nakalilimutang imbitahin ang kanyang audience para panoorin ang pelikula nila. Like, may schedule siyang shows sa Buenavista August 10 at August 19, sa Baler. Lahat ito ay sa Quezon province, sa paanyaya ng mabait na Congresswoman Aleta Suarez.
In fact, may isang insidente pang nangyari, nasa Japan siya recently for a series of shows, ka-back-to-back ni Andrew E. May ilan siyang pinasalamatan in the middle of her act, "Panoorin nga ho pala ninyo ang bago naming movie nina Andrew at Eddie Garcia, DUragons!" Huli na nang ma-realize niyang nasa Japan nga pala siya, kaya tawa siya ng tawa after.
Pero bakit tila hindi siya pinapansin ng mga taga-Viva? Parang hindi siya kasama sa pelikula. Wala sa mga posters at hindi man lang nababangggit ang kanyang pangalan sa mga promo ng pelikula. Whats up ba? Ben Dela Cruz

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended