Hindi naman kataka-taka kung dumugin ang pelikula na kasama si Joyce. Hindi ito makyeme, isalang mo man sa love scene o maski na sa hubaran. At hindi rin pumipili ng makakasama sa eksena. Lalo na sa Ang Galing Galing.... na ang kapareha niya sa Scorpio Nights ang naka-eksena niyang muli, si Albert Martinez.
Hindi rin siya nag-atubili na maka-eksena ang baguhang si Marcus Madrigal na umaming kahit sanay na siya sa mga love scenes dahil hindi naman baguhang bold actor ay humanga pa rin kay Joyce. "Iba siya. Sinabihan lamang niya ako na huwag mag-alala at siya na ang nagdala ng eksena. Bilib talaga ako sa kanya. Iba siya," sabi nito na may paghanga kay Joyce.
Anumang claim ang gawin ng maraming bold stars ngayon, lalo na ng kababaihan, na hawak na nila ang korona, huwag kayong maniniwala, mahigpit pa rin ang pagkakahawak dito ni Joyce at sa malas, matagal pa niya itong hahawakan.
Ang grupong ito ang palagi nang pumupuno ng bar na ito na dating may pangalan na OTWO Bar.
Marami na ang gumagaya sa istilo ng Raging Divas pero, hanggang ngayon lahat ng pagtatangka ay nabibigo.
At dahil bagong bihis ang Amneshox Bar, susunud-sunurin dito ang pagbibigay ng magagandang palabas na siguradong dadayuhin ng manonood. Gaya ng nakatakdang repeat nina Arpie and the Multivitamins at ni Anton, ang impersonator ni Regine Velasquez. Sa August 15 mapapanood sina Richard Villanueva, Dessa at Rated R Band.
Every week, may nakahandang shows sa Amneshox.
Para sa detalye, tumawag sa 5248490.
Tampok sa Lilo & Stitch ang mga awitin ni Elvis Presley. Mapapanood sa Agosto 3, 7 sa SM Megamall. Ipinamamahagi ng Buena Vista International Pictures.