Sa ngayon ay mayroon siyang tatlong baguhang babae na nangangailangan ng kanyang atensyon Anna Larrucea, 17 yrs. old, Glaiza de Castro, 14 yrs old at Jemalene Estrada, 16 yrs old na karagdagan sa lumalaking roster of talents ng kanyang DMV Entertainment na binubuo nga nina Assunta, ng kanyang kapatid na si Alessandra de Rossi, Jay Manalo, Jean Garcia, Ynez Veneracion, Meryll Soriano, Paolo Rivero, Boyztown at marami pa.
Siyam na taong gulang lamang nang mag-artista si Anna sa Ang TV sa ABS-CBN. Napasama sa Ang Kaybol, Gimik, Tabing Ilog at naging anak ni Princess Punzalan sa Mula Sa Puso. Kapag libre siya sa iskwela ay nago-opening siya sa MTB.
Sa kasalukuyan ay nagti-taping siya para sa isang sisimulang telenovela ng GMA7, ang Hawak Ko Ang Langit, mula sa producers din ng Eat Bulaga, ang Tape, Inc.
Nabigyan na siya ng nominasyon sa Star Awards bilang Newcomer of the Year at nanalo bilang Child Star of the Night.
Unang napanood sa isang Jollibee commercial si Glaiza bago siya napanood sa Master Showman ni German Moreno. Nakapag-guest siya sa Kasangga bago siya nakuhang isa sa tatlong bidang babae sa Cool Dudes 24/7 bilang kapareha ni Danilo Barrios.
Sa kasalukuyan ay ginagawa niya ang Singsing Ni Lola sa Regal Films para sa Metro Manila Film Festival Philippines.
Bukod sa pagiging artista, isa ring recording artist si Glaiza. May album na siya sa XAX Records. Katatapos lamang ng concert niya sa Music Warehouse.
Sa komersyal ng PLDT nabinyagan si Jemalene sa edad na 13. Magkasama sila ni Glaiza na nakuha sa Master Showman para lumabas sa Cool Dudes katambal ni James Blanco. May 16 pictures contract siya sa Regal.
Naging tatluhan pa ang labanan dahil hindi rin nagpatalo ang baguhang si Nina Lopez na katulad ng dalawa ay maganda at daring pa.
Liku-liko man ang kwento ng Biglang Liko pero, may pinatutunguhan ang istorya. Maraming hubaran din pero may katuturan naman at mahalaga sa istorya.
Ilan lang sa mga nakagugulat na eksena ng pelikula ay ang lovescene nina Gerald at Simon, nina Madam Auring at Harold at nina Gerald at Barbara.
"Pati yung paghihiwalay nina Geneva (Cruz) at KC Montero, sa akin din isinisisi. Nakakatawa, di ko alam kung mapa-flatter ba ako o maiinis. Hindi ko na lang pinapansin kahit madalas, nakakapika na rin," sabi niya.