Nakuha ng Soroptimist International (Philippines) ang tatlong major awards gaya ng 3rd place: Human Rights of Women and Girls-SI Pandi; Bulacan; 2nd place: Public Relations (SI-Bacolod) at 1st place: Working Women (SI-Caloocan) kaya pinalakpakan nang husto ang Pilipinas na may 80 kinatawan mula sa ibat ibang panig ng kapuluan.
Nakatanggap din ang aming Governor na si Tess Choa ng 14 club awards at 68 Womens Opportunity Awards. Isang Pinay din ang nanalong isa sa Board of Directors sa SIA at siyay si Atty. Gladys Tiongson.
Sa kabilang banda, halos lahat ng nanirahan sa San Diego ay mga Pinoy. Dito nga sa Duarte Place na tinutuluyan ko (kapatid ng hipag ko na si Juliet at asawang si Bong Iglesia) ay mahilig silang manood ng TFC (The Filipino Channel) na karamihan ay mga shows ng ABS-CBN. Alam nila ang latest tsikahan about showbiz at avid viewers sila ng Pangako Sa Yo.
Napag-alaman ko na may bakery dito sa San Diego si Divina Valencia at maganda at maligaya ang kanyang buhay sa piling ng asawa at anak.
Maraming mga fans dito sina Jericho Rosales at Kristine Hermosa, Judy Ann Santos at Piolo Pascual at sinabing bagay na bagay ang dalawang magka-loveteam at umaasa na sanay magkatuluyan sila sa tunay na buhay.
Alam nila ang intriga tungkol kina Mayor Joey Marquez, Alma Moreno at Kris Aquino. Kahit saan ako pumunta ay sabik ang Filipino Community sa Los Angeles at San Diego tungkol sa buhay ng mga artista natin ngayon.