Bong sa susunod hulihin mo iyong malalaking pirata na!

Nagdiwang na man ang mga taga-pelikula at music industry dahil nung Miyerkules ng hapon ay mahigit sa P1M ang halaga ng mga pirated tapes at discs ang sinagasaan ng apat na pison sa loob ng Camp Crame sa malabis na katuwaan ng mga taga-showbiz at mga pribadong mamamayan. Isang malaking accomplishment ito ni Bong Revilla bilang Chairman ng Videogram Regulatory Board at ng Philippine National Police.

Dumalo sa pagsira ng mga tapes si Pangulong Gloria Macapagal Arroyo at pinapurihan siya ng mga taga-showbiz sa suportang ibinibigay niya para masugpo ang pamimirata sa bansa.

Bagaman at sinasabing matapang na si Chairman Revilla sa kanyang pagpapasara ng mga estabalishments na nagbebenta ng mga pirated tapes and discs at sa sunud-sunod niyang raid sa mga lugar na open ang bilihan nito, hinihiling naming mga taga-showbiz na sana sa susunod niyang presscon ay mga manufactures na ng mga pirated VCDs at CDs ang iharap niya sa media. Kung mahirap ito, kahit man lamang yung mga makina na gumagawa ng mga pirated tapes. Pwede kaya Mr. Chairman?
Pati Pamilya Ni Bong, Apektado
Inamin ni Lani Mercado na dahilan sa trabaho ni Bong sa VRB ay nanganib pati mga buhay nila. Hindi na ngayon sila nakakalabas ng walang security.

"Napa-praning nga ako kapag lumalabas ng bahay ang mga bata. Di ko kasi alam kung sino ang mai-encounter nila sa labas. Mas conscious na rin kami ngayon sa security. Wala nang lumalabas nang walang kasamang bantay," sabi niya.

Ikinalulungkot din niya na pati pakikipagkaibigan ng mga anak niya ay apektado. "May isa nga akong anak na ang mga magulang ng kaibigan ay bentahan ng tapes ang hanapbuhay. Tinanong nila sa kanya kung bakit ito ginagawa ng father nila. "Sabi lang ng anak ko, wala silang magagawa, trabaho ito ng ama nila," ani Lani na naaalis lamang ang isip sa problema sa trabaho ni Bong kapag nagti-taping siya ng Ang Iibigin Ay Ikaw na marami ang nagsasabi sa kanya na totoo ngang maganda at parang isang pelikula.
Wendell, Natalbugan na si Jomari
Napaka-humble ni Wendell Ramos, para itanggi na natalbugan na niya ang kaibigang si Jomari Yllana at ka-kwadra sa pangangalaga ni Douglas Quijano. "Baka lang po dumating na lang ang panahon ko. Matagal na rin naman akong artista pero lately lang ako nabibigyan ng magagandang breaks," aniya. "Feeling ko baka magkapantay lang kami, pero yung maungusan ko siya o matalbugan, hindi siguro," paniniyak niya.

Maswerte na naman siya na nakuha para suportahan si Maui Taylor sa kanyang launching movie, ang Gamitan ng Viva Films. Sa isang launching movie ni Assunta de Rossi, unang napansin ang kanyang kagalingan sa pag-arte. "I’m proud of my craft. Although I’m too late to be a matinee idol, bumagay naman sa akin ang serious roles. It is only now that I have become focused on my work. Dati parang naglalaro lang ako. Okay lang sa akin ang sexy roles, wala lang frontal. Hindi ko rin naman ito papayagan," sabi pa niya.

Sa Gamitan, siya ang nagsabi kay Maui kung paano nila aatakihin ang kanilang mga maiinit na eksena. "Para siya di mailang. Ako kahit sa steamy love scenes, nagagawa kong i-detach ang sarili ko sa mga eksena. Kaya hindi ako nadadala. Ginawa rin ito ni Maui kaya napaganda namin ang aming mga steamy love scenes," sabi niya.

Show comments