Ngayong taon ay nakatakdang maglabas si Kuh ng dalawang bagong album. First on the list ay ang inspirational album na pinamagatang "Walking on Water". Ito ay hango sa istorya ng Bibliya, ang Matthew 14:25-32. Obviously, maglalaman ito ng mga inspirational songs na siguradong magpapatibay ng ating pananampalataya sa Diyos. Ngunit siyempre, hindi tipikal o ordinaryo ang magiging approach ni Kuh sa mga awiting nakapaloob dito. Lalagyan niya ang mga gospel songs ng distinct R & B flavor at iba pang contemporary sound.
Kabilang sa mga awiting nakapaloob sa album na "Walking on Water" ay ang remake ng "Dust in the Wind" (re-arranged ni Bob Aves), ang contemporary Christian classic "You Are Worthy of My Praise" (re-arranged ni Bob Aves), "From the Start" (composed ni Cecil Azarcon at inareglo ni Moses Edralin), "Do You Have a Miracle For Me" (composed ni Cecil Azarcon) at ang title cut na "Walking on Water" (composed ni Cecil Azarcon at arranged ni Moses Edralin).
Nakatakda ring ilabas ng Supreme Diva bago magtapos ang taon ang album na "Diva to Diva". Tulad ng "Duet With Me", ang "Diva to Diva" ay isa ring all-duets album. But this time, makikipag-duet si Kuh sa kapwa niya diva na paborito niya.