Determinado raw si Janice na tapusin at maging degree holder in the future na B.S. Psychology sa Ateneo. Sa kabila ng kanyang pagiging single mom, pinipilit niyang magampanang mag-isa ang tungkulin sa pagpapalaki ng mga anak.
Pinag-usapan na rin natin ang Ateneo, there was an incident na nangyari nang mag-remote telecast ang Magandang Tanghali Bayan (MTB) sa nasabing paaralan.
Nagkataong nanduon si Janice at kasalukuyang breaktime niya. Kasama ang ilang kaibigang kaklase, dumaan sila sa pinagtatanghalan ng noontime show ng Dos.
Ikinuwento ito ni Janice kina Richard Gomez at Paolo Bediones sa programa nilang S-Files last Sunday. Nangulit ang dalawa, tinanong kung bakit nabalitang nawala sa sarili habang nagsasayaw si Vanessa (del Bianco) nang makita siya, alam ba niyang nandoon ito?
"Oo naman, alam kong nandoon siya, MTB yun di ba? Pero hindi ko naman sinadyang pumunta roon para panoorin siya, nagkayayaan lang. Wala naman akong anumang intensyon, nanood lang kami saglit ng mga kaklase ko," lahad ni Janice.
When God closes a door, He opens a window. Aminin man o hindi ni Janice, namrublema siya sa paghihiwalay nila ng asawang si John. Open secret na kung ano at sino ang naging dahilan ng kanilang separation.
Naging matatag lang si Janice at hinarap ang problema ng nag-iisa. Naging matibay siya, siguroy para na rin sa kapakanan ng kanyang mga anak, paano na nga naman sila, kung nagpatalo siya sa kanyang emosyon.
Ngayon, shes back in the limelight! With two shows, S-Files at Sis with sister Gelli de Belen, parehong sa GMA 7, masasabi nating shes a winner instead of a loser.
Maganda na ang pananaw ngayon ni Janice sa buhay. Naibsan kahit paano ang malulungkot na sandali ng kanyang pag-iisa. Pinatibay siya ng pinagdaanang problema at nakatuon ang kanyang paningin at pagmamahal sa kanyang mga anak. Sila ang nagsisilbing inspirasyon niya sa buhay.
Sa ngayon, wala pa tayong makita, o naaaninag man lang na possibility for a reconciliation nila ng dating asawang si John Estrada. In fact, may nabalitan na tayong pagsasampa ng kasong annulment ni Janice against John. Wala pa lang tayong naririnig na development tungkol sa kaso. At kung ang maganda niyang aura ang pagbabatayan, Janice de Belen, we dare say, is ready to fall in love again! (Ulat Ni Ben Dela Cruz)