^

PSN Showbiz

Judy Ann gustong tulungan si Wowie!

- Veronica R. Samio -
Sinabi ni Judy Ann Santos sa presscon ng kanyang movie na Pakisabi Na Lang.... Mahal Ko Siya (Regal Entertainment. Also starring Cogie Domingo and Alessandra de Rossi) na gusto niyang tumulong para maiangat muli ang career ng dating kaparehang si Wowie de Guzman. "Pero, ayaw ko naman na lumabas na ako ang nag-angat ng career niya. With the right project and partner, makakaya niyang gawin ito, tutulong lang ako," sabi ng batang superstar.

Between Wowie and Piolo Pascual, sinabi ni Juday na mas malalim ang naging samahan nila ni Wowie. "Nagkaroon kami ng relasyon, ng understanding. Wala kami nito ni Piolo," aniya pa.

"Malalim din kami ni Robin (Padilla) pero, bilang magkaibigan lamang. Hindi pwedeng mas maging malapit pa kaysa magkaibigan," diin niya.

Magkasama sila ni Binoe sa isang movie, ang My Genie In A Bote. Isa siyang genie na tumulong kay Binoe para ma-win back ang love nitong si Tanya Garcia.

Naunang nagkasama sila ni Binoe sa Manila Boy. Matagal na nilang balak na gumawa muli ng pelikula na magkasama pero hindi sila nagkaroon ng pagkakataon.

Mayroon din silang movie nina Piolo na dapat ay nagsisimula na ang shooting pero hindi niya malaman kung bakit hindi pa ito nasisimulan.

By September ay pupunta siya ng Hawaii at LA para sa ilang shows.

Marami ang nagtataka kung bakit hindi sila na-link ni Cogie gayong pareho naman silang walang commitment. Hindi rin malayo ang agwat ng edad nila at parehong may itsura.

"Siguro, dahil hindi pareho ang gusto namin. Iba ang priorities namin. Siya, mahilig gumimik. Ako naman, may pamilyang inaasikaso," sagot niya.

Nevertheless, nagka-inlaban sila sa movie kahit pareho silang may ibang commitments, si Cogie kay Alessandra at siya kay KC Montero.
*****
May bagong ini-endorsong produkto si Angelika dela Cruz. Ito ang Navy White tanks and tops. Pormal na inilunsad siya bilang image model ng naturang brand of apparel nung Lunes ng hapon sa Entree Restaurant na dinaluhan ng napakaraming press who fined her unaffected sa tinatamasa niyang tagumpay sa kanyang career.

A versatile person, hindi lang artista sa pelikula si Angelika, isa pa rin siyang TV actress, isang singer, isang recording artist na kasalukuyang may lumiligid na recording sa bansang Hapon, isang well-loved person behind the cameras. Napaka-bait niyang bata. Hindi nagbabago ang ugali kahit mayroon nang pangalan. Isa ring mabuting anak na pinagkakatiwalaan nang hindi samahan minsan ng kanyang ama.

Naka-swerte ang Navy White na makuha ang serbisyo niya bilang model. Maganda siyang ehemplo ng mga kabataan.
*****
Isang fund-raising concert ang itataguyod ng Philippine Sports Commission sa pamumuno ni Chairman Eric Buhain.

Pinamagatang Alay Sa Gintong Medalya, benepisyaryo nito ay mga national athletes na ipadadala sa 14th Asian Games sa Busan, Korea para sa kanilang paghahanda at training para sa nasabing Asian Games.

Magaganap ang concert sa Agosto 9 sa PhilSports arena (dating ULTRA), Pasig City, 8:00 ng gabi.

Tampok na performer sina Gary Valenciano, Vina Morales kasama ang Southborder, Truefaith, Parokya ni Edgar, Mon Faustino, Power Play, John Lapus, Jay Cayuca, RJ Rosales, Casino Filipino Parañaque Voice Symphony at ang Sex Bomb Dancers.

ALAY SA GINTONG MEDALYA

ALESSANDRA

ANGELIKA

ASIAN GAMES

BETWEEN WOWIE

BY SEPTEMBER

CASINO FILIPINO PARA

NAVY WHITE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with